Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 33)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-33 labas)

NAGING makulit si Ma’am Sef sa pagtatanong kay Jason kung may karanasan na raw siya sa sex. Naramdaman niya noon na mukhang may pupuntahang kakaiba ang pag-uusap nila.

“Huwag ka nang mahiya,” ani Ma’am Sef. “More than being a teacher, I’m an artist kaya hindi issue sa akin ang ganyan. And besides, lalaki ka naman.”

Huminga siya nang malalim. Napalunok bago, “Meron na po.” Kumamot siya sa ulo.

“’Yun lang naman ang gusto kong malaman,” anito. “Hindi na uli ako magtatanong.”

Napanatag si Jason. Naramdaman niyang nawala ang sexual tension na kanina lang ay tila nagbi-build up.

Si Ma’am Sef naman ang nagkuwento ng tungkol sa buhay nito. Taga-Quezon Province daw ito at walang kamag-anak sa Maynila. Ang bahay nito sa Angono ngayon ay nabili nilang mag-asawa nang maghanap sila ng property na medyo artsy ang lokasyon. At dahil ang Angono ay kilala sa pagiging makasining na lugar, dito sila nakakita.

Galing daw si Ma’am Sef sa pamilya ng mga guro mula sa kalola-lolahan nito. Ilan sa mga kamag-anak nitong guro ang naging principal pa sa kanilang lugar sa Quezon.

Noong una raw ay wala sa isip nito ang maging guro dahil ang unang pangarap nito ay maging flight stewardess. Pero dahil gusto nitong sumaya ang mga magulang at lola ay iyon na rin an kinuhang kurso. Saka naman nito natuklasan ang talent sa arts nang minsang mag-attend ng workshop—kaya iyon na rin ang ginawang major.

“Kaya lang, karamihan sa mga artist ay may sayad,” tumawa si Ma’am Sef.

Tumawa rin siya. “Mukha naman kayong matino, Ma’am Sef.”

“Akala mo lang ‘yun!”

Nagkatawanan sila.

Matapos ang kanilang small talk ay muli siyang tinuruan ni Ma’am Sef na magmotor. Para raw maging smooth ang takbo at pagpisil niya sa preno. Naging focus siya sa mga sinasabi nito, dahil na rin sa sobrang gusto niyang matutong magmotorsiklo. Kahit nga ano’ng ipagawa sa kanya ng nanay niya ay gagawin niya basta bilhan lang siya nito.

Ilang sandali pa ay nag-high five sa kanya si Ma’am Sef. Mahusay na raw siya.

“Ang kailangan na lang ay matuto ka sa labas kasi iba ang complexion pag nasa kalsada na at maraming kasabay na sasakyan. Saka para matuto ka sa traffic signals.”

Ngayon ay mag-isa na siyang nakakaikot sa bakuran. Confident na rin siya. “Pwede na kaya akong tumubos ng lisensya, Ma’am Sef?” tanong niya rito.

“Student permit, pwede na. Tutal motor lang naman. Pag marunong ka nang magmaneho ng kotse saka ka tumubos ng professional.”
“Pwede kaya kahit 17 lang ako?”

“Oo. Gusto mong samahan kita bukas? Maghanda ka lang ng birth certificate. Mura lang naman iyon.”

At may cash naman siya na regalo ng kapatid niya, naisip ni Jason. Mainam na ngang kasama niya si Ma’am Sef para hindi siya maloko sa LTO. “Sige, Ma’am Sef… kung hindi nakakahiya sa inyo.”

Binatukan uli siya nito nang mahina. “Hiya-hiya ka na naman. Walang gano’n. Magkaibigan tayo, eh.”

At natuwa siya sa sinabi nitong friends na talaga sila.

Bilang isang mabuting anak ay nagsabi rin siya sa nanay at tatay niya na tutubos siya ng student permit. Nang magtanong ang mga ito kung bakit ay sinabi niyang gusto niyang magkaroon ng motorsiklo.

May pangamba ang nanay niya pero okey lang sa kanyang ama. At dahil sa bahay nila ay mas makapangyarihan ang tinig ng kanyang ama, walang nagawa ang kanyang ina. Sabi kasi ng tatay niya ay lisensya lang naman, hindi pa nagpapabili ng motor. Pag iyon daw ang hiniling niya, ibang usapan na. Na-realize niyang hindi siya bibilhan ng mga ito—pero okey lang. Mahusay naman siyang mag-ipon.

Sa kabayanan na sila nagkita ni Ma’am Sef, at magkaangkas sila sa scooter nito sa pagpunta sa LTO. May excitement na hatid sa kanya ang pagtubos ng lisensya, at iyon ang unang pagkakataon na nakipagtransaksyon siya sa isang government agency.

May mga lumapit sa kanilang fixer pero binalewala ang mga iyon ni Ma’am Sef. Dumaan daw sila sa legal na proseso. Kumuha sila ng form at sinunod nila ang step-by-step kung paano makakatubos ng lisensya.

Makalipas ang mahigit isang oras, at palibhasa’y kokonti ang tao, hawak na niya ang kanyang student permit.

“How does it feel?” tanong sa kanya ni Ma’am Sef?

“Great! Mahirap ipaliwanag. Scooter na lang ang kulang!” sagot niya.

Nag-appear silang dalawa.        

May dalang maliit na extra helmet si Ma’am Sef na ipinagamit sa kanya at binigyan siya nito ng tsansa na magmaneho ng scooter pabalik sa bahay nito mula sa LTO. Iyon daw ang numero uno sa pagmomotor, kailangang laging may helmet. Basta dahan-dahan din lang daw ang patakbo. Hindi raw sila nakikipagkarera.

Sanay naman siyang magbisikleta sa kalsada at highway kaya parang ganoon din pala ang feeling, hindi nga lang siya nagpe-pedal. Mas mabilis din. Itinuro sa kanya ni Ma’am Sef kung paano didiskarte sa mga kantuhan, sa pagliko. Kung paano pakikiramdaman kung magdidilaw na ang traffic light. Huwag din daw siyang magbe-beating the red light. “Sa gano’n maraming namamatay,” bilin pa nito sa kanya.

Enjoy siya sa pagmamaneho, and at the same time ay may ligayang nadarama sa mahigpit na pagkakayakap sa kanya ni Ma’am Sef na nasa likuran niya. Ramdam na ramdam niya sa likod niya ang matitigas pa ring boobs nito.

 

SUBAYBAYAN!