Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 4)

Ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ikaapat na labas)

NAGULANTANG si Jason nang biglang dakmain ni Iza ang kanyang dyunyor na nagsimulang mag-react. Ang higpit ng pagkakadaklot doon ng masahista!

“Sabi ko na nga ba’t may itinatago kang kapilyuhan,” anito at inilapit ang mukha sa kanya.

Nalanghap niya ang hininga nito. Mabango. Maging ang perfume na gamit nito, kahit mumurahin lang ay gusto ng kanyang ilong. Sadyang mabango siguro si Iza. Nag-init lalo ang mukha ni Jason at tinangka niyang idikit kay Iza ang kanyang mga labi.

Inilayo ni Iza ang mukha sa kanya. “Mamaya na lang, ima-massage muna kita.”

Inihiga siya ni Iza sa kama. Parang naeengkanto si Jason na sunud-sunuran lang sa ginagawa nito. Kumuha ito ng malaking tuwalya, itinakip sa kanyang harapan at kapagkuwa’y hinubad ang kanyang shorts.

Lumakas ang tibok ng puso ni Jason. At lalo siyang napuno ng excitement nang ang kanyang underwear naman ang alisin ni Iza. Lumiyad siya nang bahagya para malaya nitong matanggal ang kaisa-isa na ngayong tumatakip sa kanyang dyunyor.

Nang tuwalya na lang ang nakatakip sa kanya, idinapa siya nito. Nilagyan ng unan ang namamaga niyang tuhod. Diniinan ang kanyang likod, balakang at legs.

“Hard?” tanong nito sa kanya.

“Yes, please…” sagot niya.

Inalis nito ang tuwalya. Naramdaman niyang sumampa sa kama si Iza. Naupo sa kanya, sa may balakang niya. Napapikit siya. Kahit naka-shorts si Iza, ramdam niya ang matambok nitong kabukiran sa kanyang balakang.

Narinig niyang inalog nito ang bote ng langis. Naglagay sa mga kamay. May tumalsik sa may likod niya. Maya-maya pa, naramdaman niya ang malambing na paghagod ng kamay nito sa batok niya.

Inilapit nito ang mukha sa kanya at bumulong sa kanyang tainga. “Masarap?”

Ang gusto ni Jason ay bumalikwas at lamukusin na si Iza ngunit nagpigil pa siya. Gusto niyang ma-enjoy ang mga susunod pang sandali.

Umuo siya. Napapapikit siya sa ginhawang nararamdaman sa ginagawa nitong paghagod. Bumaba sa may likod niya ang mga kamay nito, doon naman nagpaikut-ikot. May masasakit na bahaging parang dinudurog nito. Iyon siguro ang lamig niya sa likod. Diniiinan nito ang mga bahaging parang lumalagutok.

“Ang dami mong lamig sa likod,” komento nito. “Madalas ka sigurong natutuyuan ng pawis.”

“Oo nga, eh,” sagot niya. “Maaalis pa ba ‘yan?”

“Basta madalas ang massage. At least ay two times a week.”

Saglit pa, balakang naman niya ang minasahe nito. Unti-unti na siyang inaantok. Ang init ng katawan na nararamdaman niya kanina ay tinatalo na ngayon ng ginhawang nadarama niya. Mahusay magmasahe si Iza. Sa palagay niya, kahit ilang oras siyang hagurin nito ay hindi siya magsasawa.

Ang kanyang puwet naman ang nilagyan nito ng oil. Bahagya siyang na-conscious kung malinis ba siya. Baka kasi may ma-smell si Iza at ma-turn off sa kanya. Pero disiplinado siya sa hygiene kaya nakumpiyansa siyang walang masamang amoy na sisingaw mula sa kanya.

Parang pinagbiyak na bolang nilaru-laro ni Iza ang kanyang matambok na puwet. Nakatayo na ito ngayon sa bandang paanan niya. Gusto niyang mapahagalpak ng tawa nang pasadahan nito ng kamay ang kanyang pige, pero pinigil niya. Sige ito sa paghilot. At muli, pakiramdam ni Jason ay parang gusto niyang matulog.

Sumunod na minasahe ni Iza ang paa niya na walang pilay. Marami rin daw siyang lamig sa legs at mukhang pagod ang kanyang mga masel sa paa. Dahil siguro sa pagmomotorsiklo, naisip niya.

Maingat ito nang ang paa niya na maga ang tuhod ang hinilot. Baka raw masyadong mabugbog. Nang matapos iyon, tinakpan siya nito ng malaking tuwalya. Muli siyang diniin-diinan ng kamay.

“Harap ka na,” utos nito sa kanya.

Sinadya niyang humarap nang walang pag-iingat. Natanggal ang tuwalyang nakatakip sa kanya at bumuyangyang sa harap ni Iza ang nagmamalaki niyang dyunyor. 

Nakatingin lang si Iza sa kanyang alaga. Wala itong reaksyon kung na-impress ba o nadismaya sa nakita. Uhm, confident naman siya sa kanyang size. Naisip niyang siguro lang ay sanay na itong makakita ng iba’t ibang kaangkinan ng lalaki kaya deadpan na lang.

Itinakip ni Iza ang tuwalya sa kanyang harapan. Akala niya ay sisimulan na siya nitong i-massage muli pero hindi.

Tumingin ito sa kanya. Emotionless pa rin. Matagal na naghinang ang kanilang mga mata. Maya-maya, gumalaw ang mga daliri nito. Ang mahahaba nitong daliri na nakakaelya sa kanya.

Hinaplos nito ang dibdib niya. Napahinga siya nang malalim. Marahan ang ginagawa nitong paghaplos sa dibdib niya. Ibinaba sa may pusod niya. Maya-maya, nilaro nito ang isa niyang nipple.

Napasinghap siya.

Hindi inaalis ni Iza ang tingin sa kanya habang nilalaro ang kanyang nipple. Kung kanina ay walang emosyon ang mga mata nito, ngayo’y may pilyang ngiti na mababakas doon.

Ngumiti rin siya. Alam niyang maya-maya pa ng konti ay may aksyon nang magaganap.

Hinawakan niya ang isang pisngi ng puwet nito. Hindi ito pumalag. Palipat-lipat ang mga daliri nito sa paglalaro sa kanyang nipples. Unti-unti na ring umaangat ang tuwalyang nakatakip sa kanyang dyunyor.

Ayaw niyang biglain ang sitwasyon at baka mapurnada pa. Marahan ang ginagawa niyang paghaplos sa isang pisngi ng puwet ni Iza. Buo pa ang puwet nito, in fairness. Matigas pa at obvious na hindi laspag. Unusual para sa isang massage therapist na sure siyang bago naging manager ay marami na ring karanasan sa kama.

Nangawit na siguro si Iza. Naupo ito sa kama patalikod sa kanya. Dahil kumbaga sa makina ng sasakyan ay na-warm up na siya, naging malakas na ang loob niya.

Nang hindi ito kumikibo ay isinuot niya ang kamay sa T-shirt nito. Kinapa niya ang tiyan. Flat pa iyon. Isa rin sa mga fetish niya ang mga babaing parang tinapyas ng itak ang tiyan sa sobrang flat. Hinaplos niya ang tiyan nito. Nilaro ang pusod.

Higit siyang naging mapangahas. Dalawang kamay na ang kumilos sa kanya. Saglit pa ay natanggal na niya ang kawit ng bra nito. Inalis niya iyon at inilagay sa sahig.

Hinaplos niya ng kaliwang kamay ang likod nito. Ngayon ay napapapikit na si Iza.

Nagiginhawaan siguro sa ginagawa niya. Ang kanang kamay niya ay nasa pusod pa rin nito. Iniakyat niya iyon patungo sa kambal na bundok nito.

Kahit payat si Iza at kung titingnan ay flat-chested, kapag wala pala itong bra ay “kapus-palad” din. Meaning, kapos ang palad niya para masapo ang boobs nito. Malaya niyang nilamutak ang kalamnan ng dibdib nito at nilaro ang nipples na maya-maya lang ay nag-puckered. Nagpalipat-lipat ang kanang kamay niya sa kambal na bundok.

May narinig siyang impit na halinghing kay Iza. Halatang naliligayahan ito sa ginagawa niya. Napapatingala ito.

Sa nakita niyang reaksyon nito ay lalo siyang na-excite. Hinaplos niya ang hita nito. Hindi naman pumalag si Iza. Mula sa hita ay itinaas niya ang paghaplos. Saglit pa, ibabaw na ng panty nito ang kinakapa niya.

Pisikal niya ngayong nahahagod ang malagong halamanan ni Iza at ang nasilayan niyang mahabang hiwa nito. Kumilos pa ang mga kamay niya, ayaw niyang sa ibabaw lang ng panty ang nahahawakan.

Plano niyang dukutin ang hiyas nito.

Bago niya nagawa iyon, tumayo na si Iza. Isinuot ang bra at pilyang pinalo siya.

“Tatapusin ko na ang pagma-massage sa ‘yo, matutulog pa ako,” anito.

Napahinga si Jason nang malalim sa pagkabitin.

 

SUBAYBAYAN!