Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 41)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-41 labas)

WEIRD para kay Jason ang naging kilos ng babaing nagsubo sa kanya sa loob ng sinehan, pero itinago niya ang telephone number na ibinigay nito.

Nagising si Ma’af Sef na walang kaalam-alam na may nangyari na sa kanya. Nagulat pa ito na tapos na ang palabas.

Humingi ito ng sorry sa kanya. “Maganda ba ang movie?” pupungas-pungas na tanong nito sa kanya. Nasilaw pa sa biglang pagliwanag sa loob ng sinehan. Nagtatayuan na rin at nag-aalisan na ang mga manonood.

“Okey lang,” aniya at naisip ang naging karanasan. “Masyadong bold.”

Tumawa ang dating guro niya at tumayo. “See you sa dati.”

Kung sa pagpasok sa loob ng sinehan ay magkahiwalay sila, maging sa paglabas ay ganoon din. Okey lang kasi na makita silang kumakain sa labas at magkasama, pero ang mga nakakakilala sa kanila na posibleng makakita sa kanila ay pwedeng mag-isip nang may malisya.

Naging watering hole naman nila ang isang cake house na nag-offer din ng masarap na kape at fruit shakes. Bukod sa cake ay may masasarap ding sandwiches. Paborito niya ang cheeseburger na bukod sa napakasarap ng patty ay kakaiba rin ang timpla ng coleslaw na kasabay nito.

Buti na lang at hindi napapansin ni Ma’am Sef na malayo ang takbo ng isip niya habang nagmemeryenda. Nasa babaing chubby na kanina’y napaka-daring ng ginawa sa kanya.

Palihim niyang kinapa sa bulsa ang piraso ng papel na pinagsulatan nito ng number. Tiyak ni Jason sa sarili na ang nangyari kanina sa sinehan ay hindi ang una’t huli sa pagitan nila ng agresibong babae.

                                                             **

HININTAY niyang makabalik si Fiona sa pagbabayad ng bills, pero madilim na ay wala pa ito. Hindi naman niya alam ang cellphone number nito kaya di niya matawagan. Pero naisip niyang sadya naman sigurong mahilig itong maggala lalo na pag wala ang ina.

Bigla siyang napahikab. Actually, sa Rosas Compound ay napakadali niyang gumawa ng tulog. Marahil ay dahil sa klima at katahimikan. Malamig kasi roon, at walang kapitbahay na epal na nagbi-videoke nang napakalakas.

Pumasok siya sa loob ng kanyang kuwarto at natulog muna.

                                                          **

NASA mall si Fiona nang mga sandaling iyon. Nasa isang coffee shop at malalim na nag-iisip.

Ang nangyari sa kanila ni Jason kanina ay hindi niya inaasahan. Nagulat na lang siya na ang simpleng thank you kiss niya rito ay muntik pang nauwi sa pagsusuko niya rito ng kabirhenan.

Kaya pala iba ang pakiramdam niya kay Jason nang una niya itong makita. Marami na siyang nakilalang lalaki na mas guwapo rito, pero aminado siyang iba ang dating nito. Local na Pinoy ang yari na may konting halong Kastila at Chinese. Pero ang talagang ikinasusuko niya rito bilang babae ay ang mga mata nito.

Ibang klase kung tumingin ang deep-set eyes nito. Malungkot na parang nanghihingi ng awa. Malungkot na may kapilyuhang taglay. Malungkot na mga matang parang napakarami nang nasaksihang mga pangyayari sa buhay.

Noong una itong dumating sa kanilang bahay at makilala niya ay naramdaman agad niya ang kakaibang pitlag ng kanyang puso. Parang hindi niya ito pagsasawaang titigan. At mukhang malinis at mabango.

Mabango…

Napatunayan niya iyon kanina. Lalaking-lalaki ang amoy nito na para bang hindi pinapawisan. Noong umangkas siya sa motorsiklo nito ay palihim niyang nilanghap ang batok nito, at nabanguhan siya. Kanina, nang hubad na ito ay mas na-arouse siya sa amoy nito. At ang kinis pala ng katawan.

Naalala niya ang eksenang niroromansa siya nito. Sa totoo lang ay natangay siya talaga kanina, at nasa punto nga na maisusuko niya rito ang kainosentihan. Ang suwabeng paghalik nito at paglalaro ng mga dila sa kanyang dibdib. Ang mainit na hininga nitong nang nasa kanyang puson ay nagpapaliyad sa kanya. At ang muntik na nitong pagsimsim sa kanyang perlas.

Muntik na—kung hindi tumunog ang cellphone nito.

Pagkalabas nga niya ng kuwarto nito at magdiretso siya sa banyo para maglinis ay basambasa ang kanyang kaselanan. Bilang virgin ay hindi pa niya maipaliwanag kung bakit siya nag-wet.

Hmmm, kailangan siguro niyang magbasa ng tungkol doon sa internet para maliwanagan siya.

Inubos niya ang inorder na café latte at nagpasyang umuwi na. Holy Week, mahirap sumakay.

Naisip niya si Jason. Sila lang dalawa ngayon sa Rosas Compound. Paano kung muli siyang matukso sa mga mata nito? Paano kung pilitin siya nitong ituloy ang hindi nila natapos kanina?

Bahala na, sabi niya sa isip.

 

SUBAYBAYAN!