Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 56)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-56 na labas)

SA pagbabalik-tanaw ni Jason tungkol kay Delia ay nalungkot siya. Hindi naman sa dahil hinahanap niya ito. Na-realize niya na tulad nito, si Hazel ay nawala ring parang bula sa buhay niya.

Ang pagkakaiba ng dalawa, kay Hazel ay nag-invest siya ng damdamin. Kay Delia ay puro fond memories lang niya ng pagtuklas ng maraming bagay tungkol sa sex.

Napakibit-balikat siya.

Ang perang galing kay Delia ay hindi naman niya nagamit agad sa pag-aaral magmaneho, pero inilagak niya sa bangko. Doon siya nagsimulang maging marunong sa pera. Ang kanyang bank account na existing pa rin hanggang ngayon though nakailang palit na ng account number sa pinakamalaking bangko sa bansa, ang ginamit niyang pondo ay ang P20,000 na mula rito.

Graduate na siya ng college nang makapag-aral magmaneho, pero kahit kaya na niyang bumili ng kotse ay mas nasanay na siya sa motorsiklo dahil mas madaling i-maintain.

Napatingin siya sa relo. Gabi na. Naisipan niyang lumabas ng kuwarto para hanapin si Fiona.

Eksaktong nasa salas ito nang lumabas siya. Nanonood ng TV. Kung kanina ay medyo flat ang expressions nito,  ngayon ay mukhang okey na. Tumatawa sa pinapanood na cartoons.

Bata pa rin talaga, nasip niya. Cartoons pa rin ang mundo. Siguro nga ay blessing in disguise na tumunog ang cellphone niya dahil kung hindi, basag na kristal na ito ngayon. Talulot na nasimsim na ang bango.

Lumapit siya rito. “I’ll be out tomorrow,” aniya na sa TV screen nakatingin. “Pero babalik naman ako sa hapon.”

Hininaan ni Fiona ang TV. Tumingin sa kanya. Hindi siguro nito narinig ang sinabi niya. Inulit niya.

“Okey,” sabi nito. “Be safe.”

“Thank you,” sagot naman niya at mahinang tinapik ang balikat nito at iniwan na niya. Kailangan niyang matulog nang todo dahil may laban siya bukas.

Bumalik naman ito sa panonood.

                                                           **

MAY sadya na silang meeting place ni Orlan. Nag-taxi na lang siya patungo roon. Isa iyong coffee shop in the heart of Quezon City.

Natatawa siya kay Orlan dahil ito ang babaero na ayaw sa gabi lumakad. Mas malakas daw kasi ang resistensya nito kapag may liwanag pa ang mundo, at sa gabi naman ay kailangang nasa kuwarto lang ito at natutulog. Biro pa nito, ipinaglihi ito ng ina sa kuwago.

Naging partners in crime sila mula nang malaman nito na may itinatago pala siyang libog. Kalimitan kasi sa mga nakakakilala nitong babae ay may kaibigan na isinasama. Sa kanya siyempre ‘yung kaibigan. At natuwa ito sa kanya na kahit hindi kagandahan ang mai-partner nito sa kanya ay wala siyang reklamo.

“Basta malinis,” sasabihin lang niya rito.

Malikot sa babae si Orlan. Ayaw namang mag-girlfriend. Hindi pa raw kasi kayang maging honest, at tama nga naman iyon. Hindi pa raw carry ng sistema nito na mag-stick to one. Saka shoot and run ang laro nito. Pag may nakilalang babae at okey, tsuk! Pagkatapos, wala na. Kasi nga’y ayaw pa ng commitment. Isa pang maganda rito, hindi nakikipag-flirt kapag may karelasyon o asawa ang girl. Ayaw raw nitong maging instrument sa pagkawasak ng isang relasyon.

Kaya hanga siya rito. Ito ang salbahe na patuloy na nagbibitbit ng values sa sarili kahit papaano.

May pag-aaring 2-bedroom na bachelor’s pad si Orlan. Doon nito dinadala ang mga nasisilo nitong bebot. Pero hindi ito roon nakatira. Just for lust lang daw ang lugar na iyon. At sa mga pagkakataong ang nakaka-sexual tryst nito ay may chaperon at ibinabato sa kanya, doon sila sa kuwartong mas maliit nagniniig.

Nauna siya kay Orlan sa kanilang meeting place. Umorder siya ng cappuccino para hindi mainip. Eksaktong naubos niya ang cup of coffee ay nag-text ito. Naka-park na raw sa labas ang kotse nito at hinihintay na siya. Naroon na rin daw ang mga dalaga.

Nagmamadali siyang lumabas ng coffee shop, diretso sa backseat ng sasakyan ni Orlan.

Pagkaupo niya ay nag-apiran silang dalawa. Katabi nito sa unahan ang isang babae. Nakangiti naman sa kanya ang isa pa na katabi niya ngayon sa likod ng sasakyan.

“Girls, meet my best friend Jason,” pakilala sa kanya ni Orlan sa mga babae. Una nitong itinuro ang katabi. “This is Rhea.”

Nag-hi sila ng babae.

Idinako ni Orlan ang kamay sa babaing katabi niya. “And this is Piper.”

Nagkamay sila ng babae.

At pinaharurot na ni Orlan ang sasakyan patungo sa pad nito.

Ilang sandali lang at naroon na sila. Pareho silang maginoo ni Orlan, inalalayan nila sa pagbaba ang kani-kanilang date sa araw na iyon. Binitbit din niya ang mga pagkaing binili ng kaibigan. Agad silang pumasok sa loob ng unit. Sabi kasi ni Orlan ay medyo may mga tsismoso’t tsismosa rin sa lugar na iyon kahit high-end. Matatalas ang mga mata at alam agad kapag ang isang may ari ng unit ay gumagawa ng extra-curricular activities.

Pinaupo ni Orlan ang mga babae. “Make yourselves comfortable,” anito. Binuksan din ang hindi kalakihang LCD TV.

Maganda ang unit ni Orlan. Simple. Walang dekorasyon. Basic lang na mga gamit gaya ng upuan, mesa at mga ilaw. May banyo. Walang lutuan kasi nga ay hindi naman ito naglalagi roon.

Ipinaghanda naman niya ng pagkain ang dalawang babae. Inoobserbahan niya nang palihim ang mga ito. Napakaganda ng para kay Orlan, parang si Sam Pinto ang dating. Matangkad, ang hahaba ng legs at ang ganda ng mata.

Maganda rin naman ang para sa kanya. Hindi kalakihan at hawig kay Denise Laurel.

Natigilan siya. Naalala niyang sabi ni Fiona, ang isa sa mga boarders ng mga ito sa Rosas Compound ay hawig sa seksing aktres.

Nagkibit-balikat siya. Hindi naman siguro ito iyon, naisip niya.

 

SUBAYBAYAN!