Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 57)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-57 labas)

NAALALA ni Jason na sinabi ni Fiona na kahawig ng isang boarder ng mga ito ang sexy actress na si Denise Laurel. Naisip niyang hindi naman siguro iyon itong ka-date niya ngayon. Saka hindi lang niya matandaan na, pero hindi naman Piper ang sinabi ni Fiona na pangalan ng boarder.

Tinawag siya ni Orlan sa may kusina.

“’Yung talent fee no’ng babae ay bayad na,” inakbayan siya nito. “Sinagot ko na. Pero ikaw na ang bahalang mag-tip sa kanya.”

Tumingin siya kay Orlan. Nahulaan nito ang ibig niyang sabihin.

“Huwag kang mag-alala, malilinis ang mga iyan,” anito at tinapik siya. “Ngayon kung gusto mong maka-sure, gamit ka na lang ng condom or magpakain ka na lang ng jumbo hotdog,” tumawa ito.

Natawa na rin lang siya. “Mga magkano naman kaya ang ibibigay ko?” tanong niya.

“One thousand pataas. Depende sa performance level. Pero huwag namang bababa sa sanlibo. Hayaan mo na, malapit na naman ang thirteenth month pay.”

Tumango siya. “Sige…”

Ayaw sana talaga niyang bumabayad sa babae. ‘Yun nga lang, hindi talaga niya natatanggihan si Orlan sa mga ganitong aspeto ng pagiging single nila. At mukha namang mabango si Piper, at malinis. Tisay rin—na type na type niya sa babae.

Bumalik na sila ni Orlan sa dalawang babae na noon ay kumakain na. Pizza, spaghetti at softdrinks in can ang dala nilang pagkain. Nakisalo sila sa dalawa.

Malandi kaagad si Orlan sa ka-date. Palibhasa’y magkakilala na ay nagpupuluputan na. Sila naman ni Piper ay nagkakangitian lang muna. Wala silang talkies.

Naghahalikan na maya-maya pa ng konti sina Orlan at Rhea. Mukhang hindi matatapos ng mga ito ang pagkain. Nang sumulyap siya sa relo, mag-aalas dose na ng tanghali.

Kumawala muna si Orlan kay Rhea at nagtungo sa kusina. Nang bumalik ay may dalang brandy, crushed ice at apat na shooters.

“Pampaalis ng busog,” anito at nilagyan ng crushed ice ang bawat shooter at sinalinan ng brandy.

“Masama akong malasing,” biro ni Piper.

“Bakit, nangangagat ka?” napahagikhik na tanong dito ni Rhea.

Sumingit si Orlan. “Aba, like na like ng kaibigan ko ang babaing nangangagat!” palatak naman ni Orlan.

Nakitawa siya nang maghalakhakan ang mga ito.

Iyon ang ice breaker. Ang natitira pang pagkailang sa pagitan nila ni Piper ay nawala na lalo na nang iabot nito ang shooter na para sa kanya. Pagkatanggap niya ay kinuha naman nito ang para rito at itinaas sa kanya. “Cheers…” anito.

“Cheers,” binunggo niya ang baso nito.

Sabay silang lumagok ng brandy.

Ang maganda sa brandy ay mabilis tumama. At mas nakakapagpainit ng dugo hindi tulad ng beer. Pagkatatlong shot niya ay nawala na ang kanyang inhibisyon. Mainit na ang kanyang pakiramdam.

Sila na lang ni Piper ang naiwan sa salas dahil sina Orlan at Rhea ay nasa kuwarto na. Gusto pa raw kasing magkukot ni Piper ng crust ng pizza. Pinagbigyan naman niya ito.

“Ang init,” kapagkuwa’y reklamo nito.

“Gusto mong mag-shower?” tanong niya.

“Sana…”

Tinungo niya ang banyo. Tiningnan niya kung may sabon at shampoo. Kumpleto naman. Binalikan niya si Piper.

“Pwede ka nang maligo,” aniya rito.

Tumayo ito at may kinuha sa malaking bag na dala-dala, kikay kit. Pumasok ito sa banyo at saglit pa’y narinig niya ang lagaslas ng tubig na palatandaang naliligo na ito.

Naisip niya sina Orlan at Rhea. Matindi rin ang dalawa, hindi na naligo. Sabagay, akala nga niya kanina ay doon na mismo sa salas magbabanatan ang dalawa, buti nagawa pang makarating sa kuwarto.

Ang plano niya’y maligo rin pagkatapos ni Piper pero sinilip muna niya ang kanilang magiging kuwarto. Pinagpagan niya ang mga unan na sa hitsura ay hindi nagagamit. Tanda niya na ilang beses na rin niyang nagamit iyon. Pero sabi ni Orlan ay may iba pa itong barkada na napatulog na rin doon.

Bumukas ang pinto at agad umlimbukay ang mabangong amoy ng babae. Si Piper, nakaligo na. Sapo nito ang dibdib at ang pagitan ng hita.

“Walang tuwalya!” tili nito. “Pahiram muna ng kumot.”

Iniabot niya rito ang kumot na agad naman nitong itinakip sa katawan.

“Liligo rin muna ako,” paalam niya rito.

“Kahit hindi na,” tumawa si Piper na pinupunasan ang katawan. “Mukha namang hindi ka pa pinapawisan.”

“Okey lang?” tanong niya rito. Sabagay ay malinis pa nga ang pakiramdam niya sa sarili.

“Oo…” sagot nito.

Saglit siyang nag-isip. Bandang huli, nanaig ang pagiging malinis niya. “Quick shower, okay? Just a few minutes,” paalam niya rito at nagmamadali na siyang nagtungo sa banyo.

Sa loob ay madaling-madali siya sa paliligo. Basta makapagsabon lang para confident naman siya. Nilinis niya nang todo ang kanyang dyunyor. Saglit pa, tapos na agad siya.

Pagbalik niya sa room ay umiinom uli si Piper. Dinala nito roon ang bote ng brandy at crushed ice.

“Sorry, ha?” itinaas nito ang baso. “Tagal ko na kasing walang toma.”

Natawa siya sa paraan ng pagsasalita nito. Parang lasenggo lang sa kanto ang dating. Tumingin ito sa kanya. “Ilang taon ka na?”

Sinabi niya.

“Mas mature ka sa edad mo,” komento nito. “Sabagay, ako rin naman.”

“Ilang taon ka na ba?” usisa niya, bagaman at marami ang nagsasabing foul daw na magtanong sa babae ng tungkol sa edad.

“Twenty-one, pero mukha na akong twenty-seven, ano?”

Minasdan niya ito. May panghalina ang flirtatious nitong mga mata at makapal na lips. Heart-shaped ang mukha nito, na bihira sa babae.

“Hindi naman,” aniya at muli itong sinipat. “You look your age. I guess sa choice lang ng damit. Pandalaga na masyado ang suot mo, dapat pang-teener lang.”

“Salamat. Love na agad kita dahil diyan sa sinabi mo.”

Tumayo ito sa pagkakaupo at akmang yayakapin siya. Nalaglag ang kumot na nakatakip dito at bumulaga sa kanya ang malulusog nitong bumpers.

Something caught his eyes, at nasorpresa siya.

Blonde ang hair ng flower ni Piper!

Nakita nito ang pagtataka niya.

Tumawa ito. “Huwag ka nang ma-amaze, uso ngayon lang. It’s not genuine, pinakulayan ko lang.”

Kahit hindi original iyon ay may hatid na excitement sa kanya. Hindi pa siya naka-touch ng ganoon na may kulay. Nakadagdag iyon sa sex appeal ni Piper.

 

SUBAYBAYAN!