Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 61)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

BOOK VII

(Ika-61 labas)

MATAPOS ang “Big O” ni Piper ay para itong nawalan ng malay-tao. Walang kakilus-kilos. Tinapik-tapik ni Jason ang mukha nito.

“Piper?”

Wala itong naging sagot. Hindi rin kumikilos.

Kinabahan si Jason. Idinikit niya ang tainga sa dibdib nito. May tibok naman. Hinagip niya ang pulso nito, may pintig din. Nawalan lang talaga ng ulirat.

Dahil kinabahan siya sa nangyari ay nagtapis siya ng tuwalya at lumabas ng kuwarto. Kinatok niya ang room kung saan naroon sina Orlan at Rhea.

Ang kaibigan ang nagbukas sa kanya. Takang-taka ito. “Bakit?” tanong nito.

“Nahimatay si Piper,” aniyang nahihiya. “Hindi ko alam kung bakit.”

Nakiusyuso ang bumangon na si Rhea. Nang malaman nito ang nangyari, kahit nakahubad ay napasugod sa kuwartong ginagamit nila ni Piper.

Binuksan niya ang ilaw. Wala pa ring malay si Piper. Inalug-alog ito ni Rhea. Tinatawag ang pangalan.

Maya-maya, umungol na si Piper. Nagmulat ng mga mata. “Ano’ng nangyari?” anitong takang-taka na lahat sila ay naroroon sa kuwarto.

Nagkatawanan na lang sila. Lumabas na ng kuwarto sina Orlan at Rhea.

Nakahinga naman siya nang maluwag na walang nangyaring masama rito. Nang sila na lang uling dalawa ang tao sa room ay pinisil niya ito sa braso.

“Pasensya ka na, ha?” aniyang apologetic. “Hindi mo naman sinabing mahihimatayin ka pala.”

“Sa ‘yo lang ako naubusan ng hininga,” anito at nagmuwestra ito na iinom.

Tumayo siya at ikinuha ito sa labas ng tubig. Agad niya itong pinainom. Para naman itong dehydrated na naubos agad ang laman ng baso.

“Isa pa?” tanong niya rito.

“Okey na ako,” iniabot nito sa kanya ang baso. “But I want sana a shot of brandy.”

“Sure.” Tumayo siya, lumabas at kinuha ang alak na iniinom nila kanina. Pagbalik niya ay siya na ang nagsalin sa shooter at iniabot dito.

Tinungga agad iyon ni Piper. Pagkatapos ay humugot ng isang malalim na buntunghininga.

“Sorry, ha?” tumingin ito sa kanya. “Alam ko hindi ka nakatapos.”

“No problem.”

Hinawakan siya nito sa kamay. “Don’t worry. Hahanap lang ako ng second wind. Pag okey na ako, ituloy natin para naman hindi ka lugi.”

Para naman siyang kinabahan ngayon kung itutuloy pa nila. Feeling niya, sa liit ni Piper ay talagang lagi itong mawawalan ng malay basta kinarinyo brutal niya.

Gayunpaman, pinanaig niya ang pagiging gentleman. Pinisil niya ang mga daliri nito. “Mas gusto kong magpahinga ka muna. Pag okey ka na, isang round uli tayo.”

Gumanti ito ng pisil sa kanya. Nasa mga mata nito ang paghanga sa pagiging maunawain niya.

Nang okey na ito ay nahiga silang magkatabi sa kama at nanood ng TV na naka-hang sa wall. Ito ang may hawak ng remote, at mahilig pala sa Hollywood news.

Dahil nakailang shot din siya ng brandy kanina, nakatulog siya.

Nagising siyang pinapanood siya ni Piper. Nakangiti ito nang magmulat siya ng mga mata. Iyon pa rin ang programa sa TV kaya alam niyang hindi naman napahaba ang tulog niya.

“Ang cute mo pag tulog,” ani Piper. “Ang tangos pala ng ilong mo.”

Bumangon siya. Eksakto namang may kumatok. Maagap si Piper sa pagbubukas ng pinto. Sumungaw sina Orlan at Rhea na parehong nakadamit.

Nakatingin sa kanyang dyunyor si Rhea at may malisyosang ngiti kaya pasimpleng tinakpan niya iyon ng kumot.

“Kain muna tayo, guys…” ani Orlan. “I’m starving.”

“Magbibihis lang kami,” aniya at tumayo. Hindi nakaligtas sa kanya ang pilyang ngiti at sulyap ni Rhea sa kanyang dyunyor na muling nawalan ng takip.

Sabay silang nagbihis ni Piper. Paglabas nila ng room ay nakahain na muli ang iba pang biniling pagkain ni Orlan kanina. Para siyang nagutom nang makita ang siopao na nai-reheat na nito sa microwave.

Iyon din ang tinarget ng tatlo. Medyo maliliit lang ang siopao, kasinlaki lang ng itlog. Iniabot niya ang isang softdrink in can kay Piper, at Gatorade naman ang binuksan niya para sa kanya.

“Mukhang na-dehydrate ka kay Piper,” biro sa kanya ni Rhea.

Ngumiti lang siya.

Sumingit si Piper. “Hindi nga, e, kasi nag-pass out ako.”

Humirit naman si Orlan. “Oo, talagang mawawalan ka ng malay riyan sa kaibigan ko. ‘Yan ang totoong Totoy Mola!”

Nagkatawanan sila.

Matapos ang kainan ay nagsigarilyo ang dalawang babae sa pinakaterasa ng condo unit. Silang dalawa naman ni Orlan ay naiwan na nagkukukot ng adobong mani.

“Bro, I have a confession to make,” ani Orlan.

“Ano ‘yun?” tanong niya.

“Huwag kang magagalit, ha?”

Kumunot ang noo niya. “Ano ba ‘yun?”

“Si Rhea ang talagang kontak ko. Hindi ko kilala si Piper. Pero kanina nang makita ko ang kasama niya, mas type ko, Bro…”

“Dapat sinabi mo agad kanina,” aniya.

Naisip niya, dapat pala’y kanina pa sila nagpalit. Kung mas type nito si Piper, mas may magnet din naman sa kanya si Rhea dahil hawig nga ito kay Sam Pinto na crush na crush niya.

“Bro, kung papayag ‘yung dalawa, swap tayo… okey lang?” mungkahi ni  Orlan.

“No problem. Basta papayag sila.”

“Pera lang naman ang katapat ng mga ‘yan, Bro. I don’t think na may magiging problema,” tinapik siya nito sa tuhod.

Na-excite siya sa isiping maikakama niya ang mala-Sam Pinto na si Rhea. At naisip niyang sana naman ay huwag itong himatayin sa kama na gaya ni Piper.

Saglit pa at tapos nang magsigarilyo ang dalawang babae. Nang bumalik ang mga ito ay agad niyaya ni Orlan sa kuwarto si Rhea. Obviously ay sasabihin na nito ang plano na magsa-swap silang magkaibigan ng partner.

Naiwan sila ni Piper.

“May asawa ka na ba?” tanong sa kanya nito.

“Wala pa,” sagot niya. Nagtaka siyang out of the blue ay iyon ang itinanong nito. “Ikaw, meron na ba?”

Tumawa ito.

Nagtaka siya. “Ba’t ka natawa?”

“Wala lang,” hindi pa rin maalis ang pagtawa nito. “May something kasi sa ‘yo na nakakatawa. ‘Yun bang parang inosente ang dating.”

“Inosente pa naman ako,” nakangiti niyang sambit.

Nag-eyes roll si Piper. “Whatever.” Tumingin ito sa kanya. “Girlfriend… I’m sure meron ka.”

“Meron,” sagot niya. At para hindi na ito magtanong, “Nasa abroad. Next year babalik na siya.”

Umirap ito. “At habang wala siya, nagtataksil ka sa kanya, gano’n?”

Nagkibit-balikat siya.

“Kawawa naman kaming mga babae. Lagi na lang kaming naloloko ng mga lalaki,” sambit pa ni Piper.

Tinanong niya ito. “Bakit, naloko ka na ba ng lalaki?”

“Lagi…” anito at lumambong ang lungkot sa mga mata.

At napansin ni Jason na parang maiiyak ito.

Pinisil niya ito sa kamay. “Take it easy. Masaya ang atmosphere para gawin mong gloomy. We’re here to chill, okay?”

Pinilit ni Piper na magmukhang masaya. “Oo nga. Pasensya na, masyado akong ma-emote.”

“Saka baka himatayin ka uli pag malungkot ka,” biro niya.

Ang lakas ng naging tawa ni Piper.

 

SUBAYBAYAN!