Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 62)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-62 labas)

HABANG nag-uusap sa loob ng isang kuwarto para sa planong swap sina Orlan at Rhea ay nag-ungkat ng ilang personal na bagay kay Jason si Piper. Nag-usisa ito kung may asawa na siya, at nang sabihin niyang wala pero may GF siyang nasa abroad ay nagkomento ito na kaya raw pala siya nakakapaglakwatsa at nakakapambabae.

Sadya raw manloloko ang mga lalaki, dagdag pa nito. At umaming madalas itong maloko ng nakakarelasyon.

Sinabihan naman niya ito na huwag masyadong gawing malungkot ang atmosphere at baka himatayin ito. Natawa tuloy si Piper dahil nag-pass out nga ito kanina habang nagse-sex sila.

“Kawawa ka nga, e,” anito at tinapik siya sa tuhod. “Hindi ka tuloy nakarating sa langit.”

Tumawa si Jason. “Sa akin naman ay walang kaso ang ganoon. Ang importante sa akin ay ‘yung ka-partner ko ang masaya.”

“Hindi naman sumakit ang puson mo?” ungkat ni Piper.

“Sanay na ako sa ganoon. Medyo matagal talaga ako baka mag-climax.”

May pilyang ngiti na sumilay sa labi ni Piper.

Napuna ni Jason iyon. “Bakit?”

“Naisip ko lang, kawawa naman ang girlfriend mo,” anito.

“O, bakit nasama siya sa usapang ito?”

“Kasi...” kinurot siya ni Piper, “sa laki niyang sa ‘yo tiyak lagi siyang may migraine!”

Nagkatawanan sila.

At naalala niya si Hazel...

Hindi naman nama-migraine sa kanya si Hazel. Noong una, oo. Pero nang masanay na ito sa kanya, parang regular na rin lang para rito ang hotdog niya. Kumbaga, pagkatapos ng initial shock, nagamay na ng flower nito ang size kanyang kakambal.

Isa pa ay malaking babae naman si Hazel. Kumbaga sa kabayo ay mola. Matangkad, malaki ang katawan na seksi. At may sinasabi rin naman ang size ng flower nito. Parang kamag-anak ng malaking monay sa isang sikat na panaderya kaya kayang-kaya rin nitong tanggapin sa kaloob-looban nito ang dyunyor niya.

Pansamantala siyang nalungkot pagkaalala sa nawawalang girlfriend. Sana’y bumalik na ito sa lalong madaling panahon.

Tumunog ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya, si Ma’am Sef. Text message lang naman. Smiley. Nagpadala rin siya rito ng tatlong smileys. Hindi na ito nag-reply. Nag-check lang siguro kung gising siya.

“Girlfriend mo?” ungkat ni Piper.

“Nope. Pinsan ko, nangungutang...” pagsisinungaling niya.

Binistahan siya ni Piper mula ulo hanggang paa. “Siguro mayaman ka. Kaya sa ‘yo nangungutang ang pinsan mo.”

Ngumiti siya. “Si Orlan ang mayaman. Load lang naman ang inuutang ng pinsan ko. Eh, tatlong piso na lang ang load ko kaya sorry na lang ‘kako.”

Binato siya nito ng throw pillow. “Charot! Ang landi mo, Jason.”

Natutuwa siya kay Piper. May pagka-childish nang konti na cute tingnan, hindi iniaarte lang. Kung hindi sana ito nakursunadahan ni Orlan, baka nakailang round pa sila nito. Lalo ngayong medyo nagiging at ease na sila sa isa’t isa.

Nagtaka rin siya kay Orlan. Sa maraming pagkakataon na nagdala sila ng babae sa pad nito ay ngayon lang ito nagkainteres na mag-swap sila. Hindi niya akalain iyon. Medyo nahihiya kasi siya. Para bagang ginawa nilang sawsawan ng bayan ang dalawang babae. Kahit naman malibog siya, kung minsan ay dinadalaw rin siya ng pagiging gentleman.

Pero ngayon ay hindi na siya makakaiwas sa sitwasyon. Type din kasi niya si Rhea. Pero kung hindi nag-offer ng swap si Orlan, okey lang naman sa kanya. At dahil si Orlan ang financier, sunud-snuran siya rito. Isa pa, ginagarantiya kasi nito na ang mga babaing nakukuha nito ay malinis. Sila namang dalawa ay sure din na malinis dahil quarterly ay may medical check-up sila sa opisina.

Maya-maya ay lumabas na sina Orlan at Rhea sa kuwarto, parehong masaya.

Niyaya ni Rhea si Piper na magyosi sa may veranda. Naupo naman si Orlan sa tabi niya. Tinapik siya sa tuhod.

“Ayos na!” anito at nag-thumbs up. “Okey na kay Rhea, sasabihin na lang niya kay Piper. Magdadagdag na lang ako ng konti sa kanilang talent fee.”

“Ako na ang bahala sa para sa akin. Dyahi naman sa ‘yo.”

Tinampal siya ni Orlan. “Ulol! Huwag ka ngang ganyan. Ako na ang bahala roon. Kita mo nga na Holy Week inaakay kita sa kasalanan tapos magse-share ka pa sa gastos. Okey na ‘yun, pare... no worries.”

Nagpasalamat na lang siya rito at pinanood ang pagtitsika ng dalawang babae na paminsan-minsan ay naghahagikhikan.

“Okey naman si Rhea, mabango...” ani Orlan. “Hindi nga lang ako maka-concentrate dahil nag-init talaga ako kay Piper. Lalo na kanina nang makita kong hubad nang himatayin siya.”

Napatingin naman siya kay Rhea. Halos kasingtaas ito ni Hazel, mas slim nga lang. Model-type. Naka-shorts ito kaya nabistahan niya nang todo ang mahahabang legs nito, ang kainamang laki ng boobs at ang flat na tiyan. Mas may landi ang dating nito kumpara kay Piper na may pagka-mysterious. Parehong maganda ang dalawa, mas pang-display nga lang ang dating ni Rhea.

Pero tama si Orlan. May something kay Piper na nagpapainit agad ng dugo. Ang mata nito na nangungusap, ang mga basang labi, ang ngipin na medyo malaki. Mas misteryo na para bang hindi lang sex ang hahabulin mo. At sa pag-uusap nila kanina, halata agad niya ang emotional baggage na dala nito.

Si Rhea ay tutuklasin pa niya. Bagaman at sa pananamit pa lang nito na nasa uso ay halata nang may pagka-carefree ito. Mukhang masarap kalaro sa kama.

Maya-maya ay bumalik na sa kanila ang dalawa. Magkaiba na ng nilapitan—si Piper na kay Orlan, at si Rhea sa kanya.

Naglabas ng chips and peanuts si Orlan, at saka brandy. Tagay-tagay sila nang konti, shot. Ang dalawang babae ay mukhang alam na ang gagawin; sa kanya nag-toast si Rhea, kay Orlan si Piper.

Saglit pa, nakaakbay na si Orlan kay Piper at nagbubulungan na ang dalawa. Nag-uusap naman sila ni Rhea ng tungkol sa NBA at big Miami Heat fan pala ito. Siya naman ay maka-Boston Celtics.

Maya-maya pa ay tumayo na si Orlan, bitbit na si Piper. Pumasok na ang dalawa sa kuwarto.

“I guess maiiwan na ako sa ‘yo,” ani Rhea.

“Oo nga, e... Iniwan na nila tayo,” patay-malisya niyang sagot.

“Sabi ni Piper sobrang dako ka raw,” tumawa si Rhea at nag-shot ng brandy. “Baka ako naman ang himatayin mamaya, ha?” napahagikhik ito. Ang makinis na legs ay ipinatong nito sa kanyang mga paa, ang sakong ay kumiskis sa kanyang dyunyor.

Hinawakan niya ang legs ni Rhea. Unang salat pa lang ay naramdaman niyang malasutla iyon. Masarap haplusin. At ang kinis.

Hinawakan niya ang legs nito. Inilapit niya sa kanyang mukha ang talampakan nito at hinalikan ang mga daliri. Tama si Orlan, mabango nga si Rhea.

Muli niyang hinagkan ang mga daliri nito. Ang talampakan.

Namungay agad ang mga mata ni Rhea. Napa-“Oooohhh...”

 

SUBAYBAYAN!