Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 70)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-70 labas)

IWINAKSI na lang ni Jason sa isip ang panghihinayang kay Rhea. Ganoon talaga, naisip niya. There are things that are not meant to be. Hindi siguro silang dalawa puwedeng maging magkarelasyon kahit pa girlfriend material ito, physical-wise, pero puwede naman niya itong maging “fucking buddy” o “fubu” sabi nga sa lengguwahe ngayon. In a way, magkakaroon siya ng regular squeeze nang hindi niya kailangang bumayad.

Ayaw kasi niya nang nagbabayad sa babae, nawawala ang essence ng sex. Para sa kanya, it could be lust, yeah… pero mas masarap kung libre. ‘Yun bang tipong pareho silang nag-enjoy sa naibigay na sexual pleasure sa isa’t isa.

Mamaya ay kailangan pa niyang mag-abot ng pera, hindi lang kay Rhea kundi kay Piper. Ayaw naman niyang si Orlan pa ang magbayad ng tip sa mga ito dahil ang kaibigan na nga ang nagbayad para sa professional fee.

Napahinga siya nang malalim. Nagagastusan siya dahil sa init ng katawan. Naalala tuloy niya ang kanyang kumpare na si Dante, na una niyang naging close sa isang kumpanya na una siyang na-employed. Kasing-edad niya ito halos, at napakalibog.

Kuwento nito sa kanya, madalas ito sa isang sauna bath sa Cubao. At kada suweldo ay laman ito ng nasabing sauna.

Kung ilan din daw ang attendant doon, halos lahat ay natikman na nito. Kumbaga, mula number one hanggang sa pinakadulong numero ay kinuha nito ang serbisyo.

May isa pa ngang insidente na habang namamasyal siya sa mall ay tumawag ito sa kanya sa cellphone at nagpasaklolo. Nasa nasabing sauna bath daw ito, at hindi paalisin ng guwardiya dahil kinapos sa pang-tip sa masahista. Iniiwan daw nito ang mamahaling relo pero ayaw pumayag ng management dahil cash ang gusto.

Sa madaling sabi, pinuntahan niya ito sa nasabing sauna bath at siya ang nagpaluwal ng utang nito sa masahista. Nakita niya na ang numero ay hanggang 69, kaya naisip niyang ganoon na rin karaming flower ang napitas nito roon, bukod pa ‘yung nag-repeat performance ito.

Madalas pa nga nitong sabihin sa kanya noon, kung ibinangko raw nito ang ipinampa-massage at tip, baka nakabili na ito ng mamahaling motorsiklo.

Anyway, nagbago naman si Dante mula nang magkaasawa, at kinuha pa nga siyang kumpare sa anak nito. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita, pero batay sa mga texts nito sa kanya ay talagang family man na at hindi na nagpapatadtad.

Hindi siya nasanay magbayad dahil karamihan sa mga nakakaengkuwentro niya sa kama ay libre. Mga babaing naghahanap ng pansamantalang kaligayahan, mula kay Rosela at sa kung sinu-sino pang dumarating sa buhay niya. Call it luck, pero nakaguhit siguro sa tadhana niya na paminsan-minsan ay tumugon sa pangangailangan ng mga babaing kulang ang pagmamahal at init na nakukuha mula sa mister o boyfriend.

At dumarating siya sa puntong gusto na talaga niyang magseryoso. Akala nga niya ay si Hazel na iyon, pero hindi. Ito naman marahil ang naging karma niya. Ang babaing pinangarap niyang iharap sa altar, maging reyna ng kanyang tahanan at ina ng kanyang mga anak—iniwan siyang puno ng tanong ang isip. Bakit? Ano ang dahilan? Babalik pa ba ito?

Napailing siyang may kirot sa dibdib.

Para ring ang nangyari sa relasyon nila ni Sandra noon, though nasa college pa lang naman sila nang mangyari iyon.

Architecture student si Sandra, at ahead siya rito ng two years. Third year college na siya, first year pa lang ito. Galing Cebu, at sa kanilang unibersidad nito nagustuhang simulang tuparin ang pangarap na maging architect.

Natatandaan pa niya ang una nilang pagkikita. One month pa lang nagsisimula ang kanilang klase at naglalakad siya sa campus nang may cute na teener na tumawag sa kanya.

“Manong! Manong!” sigaw nito sa kanya.

Nilingon niya ito.

“Ask lang ako ng favor,” anito na halata agad niya na medyo hindi tuwid managalog at puntong Bisaya.

“Ano ‘yun?” tanong niya rito.

“May alam ka bang store kung saan makakabili ng technical pen? Kailangan ko na kasi.”

Naalala niya ang art store sa may Espana Street na malapit din lang sa campus. Nakakapunta siya roon kapag nagpapa-ring bind siya ng kanyang mga research materials.

May kakaibang charm si Sandra na agad nakaakit sa kanya. Para itong ang aktres na si Roxanne Barcelo. Ang ngiti nito at expression ng mukha na talagang nagpapasaklolo ay tumunaw agad sa kanyang puso.

 

END OF BOOK VI

(To be continued...)