Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 78)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-78 labas)

NAPASIGAW si Sandra nang sa unang pagkakataon ay masanggi ng dulo ng dila ni Jason ang kuntil nito. Napaigtad ito at sa pagkagulat ng binata ay itinulak siya at kinipit ng mga hita ang flower.

Tumagilid ito sa kanya sa pagkakahiga, nakatakip sa katawan ang kumot.

Siya naman ay parang binuhusan ng malamig na tubig. Ang inakala niyang maiinit nilang sandali na mauuwi sa tuluyang pagkatupok ay parang nasubhan. Kanina, akala niya’y tuluyan na niyang nadarang si Sandra ngunit hindi pala. Nang makanti ang pinakatatago nitong perlas ay para itong nahimasmasan.

Bumangon siya, nagpantalon at nagtuloy sa banyo. Nagmumog. Paglabas niya ay nagbukas siya ng bottled water at uminom.

Sinulyapan niya si Sandra. Nasa ganoong ayos pa rin ito na nakatagilid at tinatakpan ng kumot ang bahaging may puwet.

Inubos niya ang tubig sa bote at nahiga. Kinuha niya ang remote control ng TV at binuksan iyon. Nanood siya ng sine sa HBO. Walang kuwentang palabas pero sige lang din siya sa walang interes na panonood sa nasa screen. Mahina lang ang volume, pero alam niyang naririnig din ni Sandra.

Pinakiramdaman niya ito kung umiiyak. Hindi naman. Gayunpaman ay hindi niya ito kinikibo para malaman nito na nirerespeto niya ang damdamin nito, o kung anuman ang iniisip nito ngayon.

Inilipat niya sa local channel ang TV at nanood siya ng mga balita at talakayan. Balita pa rin ang tungkol sa malakas na ulan at pagbaha. Dala na rin siguro ng lalim ng gabi at pagod ay hinila siya ng antok. Isa pa ay talaga namang madali siyang makatulog sa harap ng nakabukas na TV.

Ang alam niya’y naging malalim na ang kanyang tulog. Nagulat na lang siya at naalimpungatan nang maramdamang nakayakap sa kanya si Sandra.

Nagmulat siya ng mga mata.

Nakadikit ang dibdib nito sa kanya. Ang ulo nito ay sinusuportahan ng kamay na nakatukod sa kama. Apologetic ang expression nito.

“Galit ka?” tanong nito sa mahinang tinig.

Hindi masyadong nag-sink in sa kanya ang tanong nito dahil nag-aagaw-tulog pa siya. Pinisil siya nito sa ilong. “Nagalit ka sa akin?” tanong muli nito.

Niyakap niya ito. “Hindi. Bakit naman ako magagalit?”

“Kasi...” hindi nito naituloy ang sasabihin. Sinuklay nito ng mga daliri ang kanyang buhok, kapagkuwa’y nilaro muli ng hintuturo ang kanyang ilong. “Kasi man, baka na-offend ka sa akon, eh,” anitong lumabas muli ang pagka-Bisaya.

Tinitigan niya ito. “Hindi ko magagawang magalit sa iyo kahit kailan,” aniya ritong puno ng katapatan.

Niyakap nito ang isa niyang braso at hinagkan.

“Ang bait mo,” nagkatunog ang paghalik nito sa kanyang braso. “Ang suwerte ng mapapangasawa mo.”

“Suwerte mo,” biro naman niya.

Hinalikan niya ito sa pisngi, mensahe na everything’s all right. Na hindi siya na na-offend sa ginawa nito.

“Parang masarap magkape,” pagkuwa’y basag niya. Ang intensyon niya ay magising ang diwa dahil hinihila pa rin siya ng antok.

“Gusto nimo magtimpla ako?” tanong nito.

Tumawa siya. “Sige, magtimpla ka ng instant.”

Nagbalabal ng kumot nang bumangon si Sandra. Gustong ikubli sa kanya ang kahubaran. Napatingin pa ito sa kanya at waring nagtaka nang makitang nakapantalon na uli siya. Pero saglit lang iyon at inasikaso na nito ang paghahanda ng kape na binili nila kanina sa convenience store.

“Baka nagugutom ka, may natira akong hotdog sandwich,” alok niya rito.

“Medyo,” matapat nitong tugon. “Pero paano naman si ikaw, baka gutom ka.”

“Share tayo. Pag may kape naman madaling makabusog.” Bumangon siya at inihanda ang hotdog sandwich. Pinutol niya iyon sa gitna at iniabot dito ang kalahati.

Nang lumagok siya ng kape at dumaan sa lalamunan niya ang mainit na likido ay muling sumigla ang kanyang katawan. Mukha namang nagutom nga si Sandra dahil halos dalawang kagatan lang nito ang sandwich at ubos agad. Iniaalok niya rito ang part niya pero sumenyas  itong okey na, sa kanya na lang daw. Nang ipilit niya at hindi nito kunin ay kinain na niya iyon at tinapos na rin niya ang kanyang kape.

Muli siyang nagsepilyo sa banyo. Naging way na niya iyon na basta kumain kahit anong oras ay kailangan niyang magsepilyo. Gusto niyang confident siya sa kanyang hininga. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang magsigarilyo. Isa pa ay may lahi sila na hindi talaga mapuputi ang mga ngipin kaya ayaw na niyang lalong magkulay-kalawang ang pangkagat.

Nang makatapos siyang magsepilyo ay si Sandra naman ang muling naglinis ng sarili. Naririnig pa niyang tila naliligo ito, pero nang lumabas ay hindi naman. Kumbaga ay todo-hilamos lang o kaya ay hinugasan ang flower na kani-kanina lang ay tumilam-tilam sa kanilang paglalambingan.

Nakahiga na siya sa kama noon at nanonood ng TV. Tumabi ito sa kanya at nakipanood. Maya-maya, pumatong ang isang kamay nito sa kanyang dibdib. Humaplus-haplos.

Nilingon niya ito. Nagtama ang kanilang mga mata.

“Mahal mo pa ako?” tanong sa kanya ni Sandra.

Tumango siya.

“I wanna hear it,” malambing nitong sambit.

Binulungan niya ito sa tainga. “I love you...”

“Bakit wala ang akon name?” nag-make face pa ito na tila kawawa.

Muli niya itong binulungan. “Sandra, I love you...”

Hinagilap nito ang kamay niya at pinagsaklit ang kanilang mga daliri. “I will always cherish you, Jason.” Inilapit nito ang mukha sa kanya. “I will never forget this moment.”

Naglapat ang kanilang mga labi.

Si Sandra ang ngayon ay maapoy na humahalik sa kanya. Nagpapaubaya lang si Jason. Ayaw na niyang umasa. Sabagay, masaya na siya sa ganito. Naghahalikan sila ni Sandra nang may feelings. Hindi lust. Kahalikan niya ang babaing pagdating ng panahon ay ihaharap niya sa dambana at magiging ina ng kanyang mga anak. Hindi ito si Rosela. Hindi si Aling Mercie. Hindi si Ma’am Sef. Si Sandra ito na katangi-tangi at unang nagparamdam sa kanya ng damdaming malinis.

Naging medyo agresibo ang paghalik sa kanya ni Sandra. Pumatong ito sa kanya. Hinahalikan na rin siya sa dibdib. Ang mga kamay ay nagsimulang gumapang kung saan-saan. At naramdaman ni Jason na bagaman at ayaw niyang mag-expect, nag-umalpas ang kanyang kani-kanina lang ay na-disappoint na dyunyor.

At mukhang nag-init na talaga si Sandra. Tinanggal nito ang butones ng kanyang pantalon. Tulad nito ay wala na rin siyang briefs dahil isusuot pa niya bukas. Kaya pagbaba nito ng zipper ng kanyang pantalon ay parang talong na umigkas sa basket ang kanyang alaga.

Kinapa iyon ni Sandra. Piniga nang mahawakan. Nanlaki ang mga mata nito nang ikulong iyon sa mga daliri nito.

“Dako!!!” sigaw nito. “Grabe man kadako!!!”

 

SUBAYBAYAN!