Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 8)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-8 labas)

TINUPAD ni Jason ang usapan nila ni Rosela na babalikan niya ito pagsapit ng gabi. Nang magkita sila’y niyaya siya nito sa banyo na nasa labas lang ng kubo nito.

Nang nasa loob na sila ng banyo ay naging sunud-sunuran na siya kay Rosela. Yari sa kawayan at dahon ng niyog ang banyo. Walang bubong. Nang mapatingala siya ay napakaaliwalas ng kalawakan. Ang daming bituin at maliwanag ang buwan.

Niyakap siya ni Rosela. Bumulong ito. “Elementary ka pa lang gustung-gusto na kita,” anito at idinikit ang mukha sa kanya. “Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng karisma mo sa akin.”

Wala siyang naging tugon. Ang namamayani sa isip niya ay ang kabanguhan ni Rosela. Hindi ito gumagamit ng pabango. Sabong pampaligo lang ang nalalanghap niya rito at ang natural na samyo bilang babae.

Humigpit ang yakap nito sa kanya. Idinikit nito ang labi sa labi niya. Unang halik niya iyon. Napapikit si Jason lalo na nang maramdamang nilalaro ng dila ni Rosela ang dila niya. Napayakap na siya rito at ginaya ang ginagawa nitong paghalik sa kanya. Matagal silang naghalikan.

Kumalas sa kanya si Rosela. Hinubad nito ang basketball uniform na suot niya. Bahagyang nilaro ang kanyang nipples. Hinalikan siya nito sa dibdib. Napapikit siya. At lalo siyang napapikit nang dilaan nito ang isang nipple niya.

Napaliyad si Jason sa ginagawa ni Rosela. Nagpalipat-lipat ito nang pagdila sa magkabila niyang nipples. Kung minsan ay hinahalikan siya sa tiyan. Hindi niya malaman ang gagawin. Para siyang may mataas na lagnat at nagdedeliryo na sa tindi ng ligayang kanyang nararamdaman. Napapakapit siya nang mahigpit sa dingding ng banyo.

Bumulong ito sa kanya. “Huwag kang masyadong maingay, baka may makarinig.”

Saka naman nila narinig ang uha ng anak nito. Inayos nito ang sarili at nagpaalam sa kanya. “Dito ka lang, patutulugin ko lang uli si Baby. Iipitan ko ng unan para di na magising.”

Lumabas ito ng banyo. Naiwan siyang tila nabitin sa panonood sa isang magandang pelikula. ‘Yun bang tipong parating na sa pinakamalaking bahagi ng kuwento, saka naman biglang nag-brown out.

Naupo muna siya sa isang bangkito. Maluwag ang banyo nina Rosela dahil doon na rin ito naglalaba. Napangiti pa siya nang makita ang ilang panty nito na doon nakasampay. May pilyong ideya na pumasok sa isip niya. Ano kaya kung nakawin niya ang isa?

Bumalik na muli si Rosela. Muli siya nitong sinibasib ng halik. Madali siyang matuto kaya nagagantihan na niya ang halik nito. Nagkiskisan sila ng dila. Maya-maya’y kinuha nito ang isang kamay niya at ipinasok sa suot nitong maluwag na T-shirt. Nakapa niya ang kambal na bundok nito. Udyok ng pagiging lalaki, nilamutak niya iyon. Napaungol ito.

Bumulong ito sa kanya. “Hindi ko maipadede sa ‘yo kasi may gatas pa ako. Saka na lang pag wala na.”

Hindi na niya inintindi ang sinasabi nito. Sige siya sa paghalik at paghimas sa dibdib nito. Nilaro niya maging ang pinakatampok. Ang nabasa niya sa bold na komiks ay nagagawa niya ngayon. Napapaungol si Rosela, napapaigtad sa bawat hagod niya sa dede nito.

Inalis nito ang mga kamay niya sa dede nito. Naghanap ito ng matibay na bahagi ng banyo, isinandal siya roon. Muli siyang hinalikan sa dibdib, at habang ginagawa iyon ay kinakapa sa ibabaw ng kanyang shorts ang kanyang kakambal na kanina pa galit na galit.

Napaliyad siya. Pakiramdam niya’y may mga ugat siyang gustong lumabas sa kanyang binti sa tindi ng ligayang nadarama.

Bumaba ang mga labi ni Rosela sa kanyang tiyan. Unti-unti, ibinaba rin nito ang shorts niya. Napatingin sa kanyang alagang nag-uumalpas. Hinawakan iyon.

Habang marahan nitong hinahagod ang kanyang dyunyor ay nakatingin ito sa kanya. Parang naghahamon. Pagkuwa’y bumilis ang paghagod nito. Napasinghap siya.

At hindi inakala ni Jason ang sumunod na ginawa ni Rosela. Naramdaman niya ang mainit na dila nito sa ulunan ng kanyang kakambal!

Muntik na siyang napasigaw!

Napatingin siya kay Rosela. Abala ito sa ginagawa. Para itong bata na nagmamadali sa pagkain ng lollipop at baka maagawan ng mga kalaro.

Pakiramdam ni Jason ay mamamatay na siya lalo pa nang maramdaman niyang naisusubong lahat ni Rosela ang kanyang dyunyor. Napahawak siya sa ulo nito. Hindi na niya malaman ang gagawin. Napapaliyad siyang napapaupo. Saglit pa, para na naman siyang bulkan na nagsambulat ng lava.

Hindi inalis ni Rosela ang bibig sa kanyang kakambal. Naidiin ni Jason ang ulo nito. Ilang saglit pa siyang napasinghap. Maya-maya, tinigilan na ni Rosela ang ginagawa. Kumuha ito ng bimpo at nagpahid ng bibig. Pinunasan din ang kanyang dyunyor. Bumulong ito sa kanya. “Sa susunod, iba naman. Sige na, umuwi ka na…”

Pagkaayos niya sa sarili ay tinugpa na niya ang daan pauwi sa kanila. Pagdating sa bahay ay agad siyang nahiga sa kanyang kuwarto at tumitig sa kisame. Parang eksena sa pelikula na inire-replay niya nang paulit-ulit sa isip ang mga naganap kanina sa pagitan nila ni Rosela. Napangiti siya. Naalala niya ang pangako nito na next time ay iba naman. Napuno siya ng excitement.

                                                                  **

NAGBALIK sa kasalukuyan si Jason nang maramdaman ang lamig ng air-con ng convenience store. Tinungo niya ang section para sa mga inumin. Kumuha siya ng 24 piraso ng light beer. Baka mahilig sa kukutin si Dada, kumuha na rin siya ng Pik-Nik Original at mani.

Kokonti ang tao sa outlet na iyon, karamihan ay mga bagets na kumakain ng ice cream. Pero baka dahil lang sa oras, naisip niya. Lumapit siya sa cashier at nagbayad.

Iniaabot sa kanya ng cashier ang sukli niya nang magtanong ito. “Bago ka lang dito?”

Ngumiti siya rito. Ang kahera ay nasa early 20’s, maputi na medyo payat. May hitsura. Medyo hawig kay Maja Salvador. Malulusog ang hinaharap. Ang ngiti at mata nito ay may pagka-flirt.

“Oo,” sagot niya. “Diyan ako sa Rosas Compound,” sagot niya.

“Ngayon lang kasi kita nakita rito kaya naisip kong baka nga bago ka lang rito,” anito at ibinalot ang kanyang mga pinamili. “Halos kilala ko na kasi ang mukha ng mga tagarito.”

“I see,” kinuha niya ang mga pinamili. “Thanks, Cassandra.”

Kumunot ang noo nito. “Kilala mo ako?”

Itinuro niya ang malulusog nitong dibdib. “Nabasa ko lang diyan sa nameplate mo.”

“Ah…” tumawa ito. “Eh, ikaw… ano’ng name mo?”

“Jason.” Tumango na lang siya rito at lumabas na ng convenience store.

Naisip niya, pag naiinip pala siya sa Rosas Compound, puwede niyang tambayan paminsan-minsan si Cassandra.

                                                              **

EKSAKTONG pagdating niya sa Rosas Compound ay dumating din ang delivery boy ng pizza na inorder niya. Pag-akyat niya sa itaas, dala na niya ang beer at mga kukutin pati ang pizza.

Nagulat siya nang makapasok sa may salas. May bisita si Dada. Lalaking medyo may edad na. Payat. Sa tingin niya ay late 50’s na ang edad nito.

Lumapit siya sa mga ito. Tumayo naman agad si Dada.

“Ay, Jason… ito nga pala si Leo, boypren ko,” humagikhik ito.

Tumayo ang matandang lalaki at kumamay sa kanya. “Ikaw pala ang bagong boarder nitong mahal ko. Nice meeting you.”

Medyo na-off siya sa sitwasyon. Pero nanaig sa kanya ang pagiging koboy. “Tamang-tama ang dating ninyo, sir,” aniya at itinaas ang dalang beer at pizza. “May dala akong meryenda.”

“Hindi ba nakakahiya?” tanong nito. “Baka hindi ako kasali riyan?”

“Para po sa ating lahat iyan,” sagot niya.

Si Dada na ang nag-ayos ng mesa. Nagkuwentuhan sila saglit ni Leo. Nalaman niyang may patayaan pala ito ng karera ng kabayo. May pera, naisip niya.

Saglit pa, nag-iinuman na sila. Panay ang tingin sa kanya ni Dada habang nakayakap dito si Leo.

 

SUBAYBAYAN!

 

 

Subaybayan