Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 85)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-85 labas)

NATATANDAAN pa ni Jason na nang malaman nila ni Sandra mula sa balita sa TV na kanselado ang mga klase dahil sa pagbaha ay nagdesisyon silang doon na sa motel mag-stay hanggang sa gumanda ang panahon. Naramdaman niyang yumakap sa kanya nang mahigpit na mahigpit si Sandra, at pareho silang nakatulog.

                                                              **

NAPAHINTO sa pagbabalik-tanaw si Jason nang makarinig ng katok sa pinto. Nagkatinginan sila ni Rhea. Nagtakip ito ng kumot sa katawan, siya naman ay mabilis na nakapagsuot ng pantalon.

Bumangon siya at binuksan ang pinto.

Si Orlan. At halatang worried.

“D’re, usap muna tayo sandali.” Tumalikod na ito. Nagsenyas naman siya kay Rhea na may pag-uusapan lang sila ni Orlan.

Sa kusina nagdiretso ang kanyang kaibigan at naglabas ng dalawang instant coffee. Itinuro nito sa kanya ang isang silya at naupo siya roon. Pagkaupo niya ay isinilbi nito ang kape sa kanya.

“Something came up,” anito matapos humigop ng kape. “Okey lang ba sa ‘yo na maiwan ko muna kayong tatlo rito?”

Tumingin siya rito. “Ano’ng nangyari?” usisa niya.

Ngumiti ito nang pilyo. “Alam mo kasi, ‘yung isa kong ate ay alam ang mga extra-curricular activities ko. Matagal nang pundi ‘yun sa akin kasi raw baka magkasakit ako. Gusto niyang mag-meet kami ngayon.”

“A-ha,” aniya at humigop din ng kape. “So, what’s the problem?”

“Not really a problem. Gusto ko lang pagbigyan ang matagal na niyang request.”

“Na...”

Huminga nang malalim si Orlan pagkuwa’y lumagok ng mainit na kape. Tumingin sa kanya. “Napansin kasi niyang hindi ako nakikipagrelasyon. Alam naman niyang hindi ako bakla dahil nga mahilig ako sa mga babaing bayaran. Pero natatakot siya na baka one day, bukod sa magkasakit ako ay ma-in love daw ako sa isang slut...”

Naghintay siya sa karugtong na sasabihin nito.

Ibinaba ni Orlan ang cup ng kape. “Mayroon daw siyang kaopisina. A very nice young lady na walang boyfriend. For some strange reasons, naging mag-BFF sila kahit malayo ang agwat ng edad. Now, she wants me to meet that girl.”

“Wow,” napangiti siya. “Destiny, pare...”

“Hindi ko pwedeng tanggihan ang sister ko na ito coz she’s like a mother to me. Saka siya na ang pinakamakapangyarihan sa pamilya namin. Puwede niyang kontrolin ang mga parents namin at sabihing ang mamamana ko ay siya ang mamamahala. I’d rather meet kung sino man ang minamanok niya para sa akin, and then I’ll see kung ano’ng mangyayari.”

“Malay mo kamukha ni Cristine Reyes ‘yun,” biro niya. “O ni Angel Locsin.”

“Kasalan na!” ganting biro nito.

Nagkatawan sila.

Naglabas ng pera si Orlan. “I don’t think makakabalik pa ako, d’re. Mag-iiwan na lang ako ng pam-bonus doon sa dalawang tsikas, pantaksi at pangmeryenda n’yo. But you can stay here kahit gaano katagal if you want. Tutal bakasyon pa naman.” Iniabot nito sa kanya ang pera.

Pinalis niya iyon ng kamay. “Ako na ang bahala, d’re. This is too much. Saka may pera naman ako. Lagi mo na lang akong inililibre. Libre na sa kantot, libre pa sa kain at taxi. Sobra na. Ako na lang.”

“Ulol!” birong singhal sa kanya ni Orlan. “Pag tinopak ang ate ko at puwersahan niya akong ipinakasal doon sa girl, tapos na ang maliligayang araw nating dalawa dahil may kukubra na ng suweldo ko. Malay natin, baka kaya ganito kabongga ang sexcapade natin ngayon ay last na pala. Kunin mo na ito.”

Alam niyang ipipilit din naman iyon ni Orlan kaya tinanggap niya. “Babawi na lang ako sa stag party, pare. That would be my pre-wedding gift to you.”

“Tatandaan ko ‘yan. O, paano, larga na ako,” paalam nito sa kanya. “Bahala ka na sa mga tsikas.”

“Ingat, pare... at hello sa future esmi mo.”

Nag-high fives sila.

Nang makaalis si Orlan ay binalikan niya si Rhea sa kuwarto. Nakasuot na ito ng pang-ibaba pero naka-bra lang sa itaas. Sinabi niya ritong umalis na si Orlan dahil may family affair.

“Uuwi na ba kami ni Piper?” tanong nito sa kanya.

“Gusto n’yo na ba?”

Tumingin ito sa cellphone na wari ay sinukat ang oras. “Kung pwede sanang mag-stay mas okey. Ewan ko lang si Piper.”

Lihim siyang na-excite sa narinig. Willing itong mag-stay, at ibig sabihin niyon ay makapaglalaro pa sila sa kama.

“Paano kung gusto na ni Piper umuwi? Kailangan bang lagi kayong magkasama?”

“Hindi naman. She can go ahead tapos I’ll stay here na lang kung mag-i-stay ka rin.”

Naisip ni Jason si Fiona. Medyo nag-alala siya para rito. Pero naisip din niyang nasa kusina naman ang mga pinamili niya kaya kung magugutom ito ay tiyak na may pagkain. Mas nanaig sa kanya ang excitement na mapahaba pa ang pagse-sex nila ni Rhea.

Nag-dial si Rhea sa phone. Tinawagan nito si Piper. Napailing siya sa ginawa nito. Ang mga kabataan nga naman. Nasa kabilang kuwarto lang ang kakausapin ay tinawagan pa. Sabagay, naisip niya, baka naman naka-line ito o kaya ay unlimited.

Sinagot ni Piper ang telepono. Siya ang taong kahit alam niya ang pag-uusapan ng kahit sino, basta sa telepono ay lumalayo siya para bigyan ang mga ito ng privacy. Nagtungo siya sa salas at nanood ng TV. Maya-maya ay lumabas si Rhea at kumandong sa kanya. “Mag-i-stay rin daw si Piper. Wala pa raw tao sa tinutuluyan niya.”

Ewan kung bakit may kung anong kutob siyang naramdaman nang marinig iyon. Hindi pa rin mawala sa kanya ang hinuha na baka si Piper ang isa sa mga boarder ni Dada na hindi pa niya nakikita.

Malakas pa naman ang kanyang intuition. Noon, basta kinutuban siya, malamang na nagkakatotoo. Ayaw naman niyang mag-ungkat kay Rhea kung saan nakatira ang kaibigan nito. Baka magtaka ito na bakit si Piper ang itinatanong niya ang address at hindi ito.

Pumulupot sa kanya si Rhea. Hinagkan siya sa leeg. “Ang bango ng gamit mong perfume. Nakaka...” humagikhik ito.

Niyakap niya ito. “Ikaw, mabango ka kahit walang pabango.”

“Ah, hindi ko itatanggi ‘yan,” anito. “Bata pa raw ako ganyan na ako sabi ni Mama. May natural na bango. Pero mahilig ako sa perfume.”

Biniro niya ito. “Sa Pasko reregaluhan kita.”

Idinikit nito ang labi sa lips niya at bumulong. “Bakit? Pagkatapos ba nito magkikita pa uli tayo?”

 

SUBAYBAYAN!