Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 9)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-9 na labas)

HABANG umiinom ay nakayakap si Leo kay Dada. Ang babae naman ay laging nagnanakaw ng tingin kay Jason. Paminsan-minsan ay humahalik ito sa pisngi ni Dada. Medyo nailang si Jason kaya nagpaalam sa mga ito na magte-check lang sandali ng e-mail.

Nahiga muna siya sa kama. Tiningnan niya kung may message sa kanyang cellphone. Wala. Nag-browse siya ng contacts. Huminto sa pangalan ni Hazel. Nag-dial siya. Not yet in service ang sabi ng computer voice prompt.

Napahinga siya nang malalim. Muli siyang nagdesisyon na huwag tanggalin ang number ni Hazel. Malay ba niya kung isang araw ay muli nitong i-activate iyon at tawagan siya.

Nang sa palagay niya ay nabigyan na niya ng sapat na oras para maglambingan sina Dada at Leo ay lumabas siyang muli. Inaantok na ang hitsura ni Leo, hindi na nakapulupot kay Dada. Parang wala na rin sa huwisyo.

“Lasing na ang matanda,” humagikhik si Dada. “Mahina na kasi itong uminom.”

Kumuha siya ng pizza at kumain. Hindi na niya inalok si Dada dahil may kinakain naman ito. Ilang canned beer na rin ang naitumba nito gayung sabi nito kanina ay mahinang uminom.

Biglang nahulog sa silya si Leo. Kapwa sila napatayo ni Dada at dinaluhan ito. Mukhang tulog na ang matanda dahil kahit anong tapik nila sa mukha nito ay umuungol lang.

“Antukin na kasi ito,” inayos ni Dada si Leo. “Tulungan mo ako, buhatin natin sa guest room.”

“Ako na lang ang bubuhat maliit lang naman siya at mukhang magaan,” sinaklit niya si Leo. “Saan ang guest room?”

“Dito…”

Sumunod siya kay Dada.

Naisip niyang may guest room pa pala rito. Nasa bandang dulo iyon ng bahay. Maliit lang nang buksan ni Dada ang pinto. Parang dating lagayan ng mga walis at ibang panlinis. May folding bed na maganda. Ibinaba niya roon si Leo at inayos ang pagkakahiga.

“Mukhang sanay na sanay kang magbuhat ng mga lasing,” komento ni Dada.

Tumawa siya. “Ako ang tagabuhat sa mga uncle ko pag senglot na.”

Kinumutan ni Dada si Leo. “Baka lamukin. Nakakapunta lang kasi rito ‘yan pag wala si Fiona. Ayaw kasi ng anak ko na mag-asawa pa ako kaya paboypren-boypren na lang. Saka ayaw niyang nakikita ‘yan.”

Tumangu-tango siya.

“Mabait naman ‘yan. Matandang binata. Sa kanya ako nakakahiram ng pera pag walang-wala ako. Hiram na walang bayaran,” kuwento pa ni Dada.

Lumabas na sila ng guest room. Nagbalik sila sa may kusina at itinuloy niya ang pagkain ng pizza. Si Dada naman ay muling nagbukas ng beer.

“Napapasarap ako sa beer. Matagal na rin kasi nang huli akong uminom, noong reunion namin ng high school classmates ko three months ago,” anito.

“Okey lang, para sa iyo talaga ‘yan,” sabi naman niya.

“Sayang nga wala si Iza. Masarap kainuman ‘yun,” untag ni Dada.

Hindi siya kumibo. Naalala ang panaginip niya tungkol kay Iza.

“Kaya lang pareho kami ng sakit,” tumingin sa kanya si Dada.

Kumunot ang noo niya. “Sakit?” aniyang nagtatanong ang tingin kay Dada. “Anong sakit?”

Tumawa ito. “Hindi sakit na nakakahawa, ano? Ibig kong sabihin, pareho kami na pag nakakainom nagiging mainit!”

Natigilan siya.

“Mainit, as in in hot. Horny!” paglilinaw ni Dada na sa pagsasalita ay halatang nawala na ang inhibisyon. “Kung di mo pa rin ma-gets, pareho kaming nagiging malibog pag nakakainom.”

Natawa siya sa sinabi nito. Bigla tuloy siyang nakapagbukas ng beer at isinalin sa basong may yelo. Agad din niyang ininom iyon. Bottom’s up.

Pagbaba niya ng baso, tumingin sa kanya si Dada. Seryoso ito. “Ikaw, Jason… nagiging hot ka rin ba pag nakakainom?”

Naghahamon ang tingin sa kanya ni Dada. At minsan pa, pakiramdam ni Jason ay siya ang binatilyong binigyan ni Rosela ng unang karanasan sa sex sa banyo.

Ngumiti lang siya. “Lagi naman akong mainit nakainom man o hindi,” sagot niya.

“Palagay ko nga!” humagikhik si Dada. “Kaya ko nasabi ay dahil nang mabuksan kita sa CR. Ikaw, ha? Ano’ng ginagawa mo noon?”

Hindi siya sumagot. Kahit naman mainit siya ay tinitingnan din niya ang sitwasyon. Ayaw niyang kaya sila magkakaniig ni Dada ay dahil lasing lang ito. Baka mamaya ay ayaw naman pala nito at napilitan lang dahil sa espiritu ng serbesa.

“Pero totoo ang sinabi ko sa ‘yo na na-stress ako sa ‘yo noon,” patuloy pa nito. “Matagal na rin kasi akong hindi nakakakita ng galit na galit na—“ hindi nito itinuloy ang sasabihin.

“Hindi na ba kayo nag-aano ni Leo?” usisa niya rito.

Sumimangot ito. “Naku, wala nang ipuputok ‘yun? Alam mo bang minsan lahat ginawa ko na para tayuan siya wala pa ring nangyari? Nakakadismaya nga, eh. Samantalang ‘yung namayapa kong asawa, noong buhay pa basta nagkadikit kami may nangyayari.”

Lumagok muli siya ng beer.

Tumingin sa kanya si Dada. “Crush ka ni Iza, alam mo ba? Pihikan sa lalaki ‘yun. Maraming nanliligaw pero di pinapatos.”

Hindi siya sanay maghaplos ng sariling ego. Nag-downplay siya ng sitwasyon. “Baka nakababatang kapatid lang ang dating ko sa kanya. Gano’n naman ang mga babaing nasa edad niya, may fondness sa mas bata sa kanila.”

“Hindi,” sansala ni Dada. “Type ka talaga niya. Minsan magpa-massage ka sa kanya. Mararamdaman mo.”

“Sige. Magpapa-massage ako sa kanya pag nakainom siya para hot na hot siya.”

Nagkatawanan sila sa naging punch line niya. Uminom muli si Dada. Nang maibaba nito ang baso ay nagtangkang tumayo. “Ligo muna ako para mawala ang init.”

Nawalan ito ng panimbang. Palupasay na bumagsak sa sahig. Maagap naman itong nadaluhan ni Jason.

Lasing na lasing na si Dada. Sinuri ni Jason kung nabagok ba ito. Hindi naman. Iniayos muna niya sa pakakahiga pagkatapos ay binuhat niya. Inihiga niya sa sofa sa salas. Ang isang silya ay iniharang niya rito para hindi ito mahulog.

Tulog na agad si Dada. Habang minamasdan niya ang kabuuan nito ay naalala niya si Rosela. Inayos muli niya si Dada. Pasimple niyang piniga ang isang dede nito. Malusog pero malambot na. Kumbaga sa isang rebel camp, mayabang pa ang façade pero ang loob ay nakubkob na ng militar.

Nang matiyak niyang di na ito kumikibo ay iniwan na niya, iniligpit ang mga pinag-inuman nila at pumasok na siya sa kuwarto.

Ang hindi niya alam, naglasing-lasingan lang pala si Dada. Napangiti ang landlady nang maalalang pinisil ni Jason ang kanyang dede. Totoo ang hinala niyang pilyo ang kanyang bagong boarder.

Bumangon si Dada at tiningnan si Leo. Tulog pa rin ang kanyang boyfriend. Muli niya itong kinumutan. Hindi maalis sa isip niya ang ginawang pagpiga ni Jason sa kanyang dibdib. Isang bagay ang binuo niya sa isip. Isang araw ay titikman niya ang cute niyang boarder.

Nanghinayang siyang hindi nito pinatulan ang pangde-dare niya rito kanina. Pero mabuti na rin kasi hindi pa siya nakaligo. Baka ma-turn off ito sa kanya. Hahanap siya ng magandang pagkakataon para i-seduce ito. Totoo siya sa sinabi niya kanina rito na matagal na siyang tigang. Matagal na matagal na…

Natigilan siya nang marinig ang paghihilik ni Leo. Gusto niyang tadyakan ito sa inis. Kung sana’y brusko pa ito sa kama, lagi sana siyang nadidiligan. Hindi tulad ngayon na tila siya isang rosas na nalalanta na ang mga talulot.

 

SUBAYBAYAN!