Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 98)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(ika-98 labas)

SINABI ni Iza kay Fiona na nakiusap si Dada na umuwi muna ito at bantayan ang dalaga dahil wala raw kasama sa Rosas Compound maliban kay Jason. Baka raw kasi reypin siya ng binata. Alam ng dalaga na bahagya siyang namula sa narinig mula sa boarder. Kung alam lang nito na muntik na ngang may mangyari sa kanila ni Jason.

Nagpatuloy sa pagkain si Iza. Maya-maya ay nagtanong ito sa kanya. “Pasensya ka na, Fiona, at ako’y maurirat. Maitanong ko lang, ikaw ba ay may karanasan na sa sex?”

Lalong namula si Fiona. Muntik naibuga ang kinakaing pansit.

“Ano ka ba naman, Ate Iza? Napakaeskandalosa naman ng tanong mo!” naitulak tuloy niya ang platong pinaglalagyan ng pansit. “Hindi. Wala pa. Walang gano’n.”

Natawa si Iza. “Napakabayolente naman ng reaksyon mo, para tinanong lang kita. Ngayon lang kasi kita nakakuwentuhan ng ganito na solo lang tayo. Pag narito ang mama mo, hindi kita mausisa kasi kahit malibog ang nanay mo, konserbatibo ‘yun pagdating sa ‘yo.”

“Eh, wala pa nga!” asik niya na muling inupakan ang masarap na pansit. “Hindi ako mahilig sa ganyan.”

“Napapansin ko nga,” ani Iza. “Pero may mga pagkakataon na dapat ma-orient ka rin sa mga bagay na may kinalaman sa sex.”

“Nakakapanood naman ako ng porn,” pag-amin niya. Ayaw naman niyang isipin ni Iza na nagpapaka-demure siya. “’Yung mga ka-player ko ay mahilig manood kasi pampaalis daw nila ng stress bago maglaro.”

“So, hindi na rin naman pala virgin ang mga mata mo,” nanunuksong tudyo sa kanya ni Iza.

“Oo. Siguro naman sa panahon ngayon wala nang hindi nakakakita ng nagse-sex dahil nagkalat sa internet.”

Tumawa si Iza. “Kaya alam mo na ngayon na hindi lang isinasaksak sa pagitan ng hita ng babae ang patotoy ng lalaki kundi isinusubo na rin?”

Muli siyang naeskandalo. “Hay, naku... Itigil na natin ito, Ate Iza. Mas masarap magsubo ng pansit kaysa diyan sa sinasabi mo na isinusubo.”

Ang lakas ng tawa ni Iza. “Alam mo, may mga bitaw ka rin na nakakatawa. Manang-mana ka sa nanay mo na malakas ang sense of humor.”

Hindi siya kumibo. Nagpatuloy silang dalawa sa pagkain. Maya-maya ay may inihirit uli si Iza. “Basta tandaan mo ito, Fiona. Ang lalaki kapag isinubo mo ang patotoy at nasiyahan sa iyo, hindi ka na niya makakalimutan.”

“Ah, ewan...” ani Fiona at binuksan ang kanyang MP3 player at nagsaksak ng earphone sa tainga. Magana niyang ipinagpatuloy ang pagkain para hindi na siya maabala pa, at ma-stress, sa mga sinasabi ni Iza.

Si Fiona ang naghugas ng kanilang mga pinagkainan kaya matapos magsepilyo ay nagpahinga na sa kanyang kuwarto si Iza. Nahiga siya sa kama, napapangiti sa naging usapan nila ni Fiona. Natutuwa siya sa pagiging inosente nito.

Hindi niya ma-imagine ang karakter ng dalaga na parang mahina pagdating sa ibang aspeto ng buhay pero tila bakulaw naman kung maglaro sa court. Minsan na wala siyang ginagawa ay niyaya siya ni Dada na manood ng laro ni Fiona. Nagulat siya sa lakas nito.

Ito pa ang pinakamaliit yata sa team pero dominado nito ang court kapag naglalaro. Matalas ang mga mata sa bola. At sa kabila ng pagiging mahinhin nito, para naman itong lalaki kung mag-serve, kung magbalik ng bola sa kalaban. May sining ang pagkilos nito sa paglalaro. Sabi nga sa mga nababasa niyang column ng mga sportswriter, a poetry in motion.

Bukod doon, maganda si Fiona. Sexy. Parang kabayong mola ang tindig. Ang pagiging athletic ng porma nito ay nakakatomboy, ‘ika nga. Kung hindi ito naging athlete, papasa itong model.

Naiisip niya, wala kasi siyang nakitang picture ng tatay nito, doon siguro ito nagmana ng mukha. Maganda si Dada pero mas kakaiba ang mukha ni Fiona. Pero ang katawan at kutis ay sa ina nito nakuha. Sa kabila ng edad ni Dada, may asim pa rin talaga ang kanyang kasera, at maganda ang puwet at ang hinaharap.

Muli siyang napangiti nang maalala ang huntahan nila ni Fiona tungkol sa pagsusubo ng patotoy. Muntik na nitong naibato sa kanya ang kinakainang plato.

Sabagay, ganoon talaga pag donselya pa ang babae. Kahindik-hindik sa kanila ang mga ganoong usapan kapag hindi pa nararanasan, pero kapag natikman na o nagawa na, kaysarap nang paghuntahan.

Naalala tuloy niya ang kanyang unang karanasan sa pagsusubo ng patotoy.

Bata pa siya noon. Disiotso anyos. Namamasukan pa lang siya bilang katulong sa isang mayamang pamilya sa Zamboanga City na may lahing Kastila. Kailangan niyang magtrabaho agad sa murang edad kahit katulong dahil walang ibang oportunidad. Tapos siya ng high school, at gusto niyang makapagpatuloy sa kolehiyo.

At iyon nga, natanggap siyang katulong sa isang prominenteng pamilya sa kanilang lugar. Kahit mayayaman ang mga ito, hindi mapanlait. Kung ano ang kinakain ng mga ito, iyon din ang kinakain nila na mga house help.

Paglilinis ng bahay ang toka niya. Kasama roon ang pagpapagpag ng mga gamit sa pagtulog. Siya lang ang nakakapasok sa kuwarto ng mag-anak. Bukod sa mag-asawang medyo may-edad na, ang kuwarto ng bunsong anak na lalaki ng mga ito ang kanyang nililinis.

Si Amadeo ang anak ng mga ito. Malalim na tao si Amadeo na noon ay late 30’s na. Wala pang asawa. Tahimik ito. Mahilig sa sining. Noong panahong iyon ay inaabala nito ang isip sa pagtugtog ng flute.

Matangkad si Amadeo na kahit lahing Kastila ay maitim ang kulay. Malaki ang katawan at maskulado kahit hindi naman nagdi-gym. Mahaba ang buhok na nakatali. May konting balbas na kapag mas humaba kaysa sa kursunada nitong lago ay agad nitong ipinaaahit.

Matipid itong magsalita. May malulungkot na mga matang kapag itinititig sa kanya ay gusto niyang matunaw. Ang tingin niya noon kay Amadeo ay isang karakter sa nobelang love story na madalas niyang mabasa sa mga Tagalog romance pocketbooks. Hindi niya akalaing may lalaki palang talagang ganoon ang katangian—physically.

Naalala pa niyang noong una niya itong makilala, titigan siya at sa malamig, baritonong boses ay sinabi sa kanyang, “Kumusta, Iza? Sana mag-enjoy ka rito sa aming malungkot na bahay...” ay naramdaman niyang may mainit na katas na kumawala sa kanyang pagitan ng mga hita.

Alam din niyang simula sa mga araw na iyon, alipin na siya ni Amadeo.

 

SUBAYBAYAN!