Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 99)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-99 na labas)
NAALALA ni Iza si Amadeo, ang anak-mayaman na naging amo niya nang mamasukan siyang katulong sa kanilang probinsya. Guwapo ito na maitim, maskulado, matangkad at halata ang pagiging ibang lahi. May mga matang malulungkot ngunit nangungusap kapag tumingin.
Tahimik lang lagi sa salas ng malaking bahay si Amadeo. Kung minsan ay sumisimsim ng alak. Siya ang nag-aasikaso rito kapag mag-isang umiinom. Ipinaghihiwa niya ng mansanas na ginagawa nitong pulutan. Kakaiba sa mga kakilala niyang lalaki na karne o laman-loob ng hayop ang gustong pulutan, prutas naman ang gusto nito.
Hindi lasenggo si Amadeo. Naobserbahan lang niyang kapag nag-iisip ito nang malalim ay gustong may katabing kopita, alak at prutas. Para itong isang maharlika kapag nasa ganoong ayos.
Kung minsan naman ay nagbabasa ito ng mga libro habang umiinom. O kaya ay nakikinig ng musika.
Minsan ay nausisa niya sa kasamahang tsimay na si Olga kung bakit hindi palalabas ng bahay ang binata. Ayon dito, palibhasa raw ay bunso sa tatlong magkakapatid na pawang lalaki ay hindi na inobliga ng mga magulang na magtrabaho si Amadeo. Ang mga kapatid nito ay pawang nasa Amerika na. Ito raw ang magmamana ng malaking bahagi ng kabuhayan ng mga ito sa Zamboanga.
Hindi na siya nagtanong pa ng tungkol dito.
Minsang naghatid siya ng hiniwang manggang hilaw habang umiinom ito at nanonood ng TV ay nagtanong ito sa kanya. Ni hindi tumitingin.
“Mahilig ka bang magbasa ng libro, Iza?” anito sa baritonong boses na tuwing maririnig niya ay nagpapaalog ng kanyang mga tuhod kung bakit.
“P-pag meron lang po, Senyor,” aniyang nahihiya.
May kinuha itong dalawang libro na katabi nito sa inuupuan. “Nabasa ko na ang mga ito. Sa iyo na lang para may mapaglibangan ka.”
Inabot niya ang mga libro. Halos manginig siya sa tuwa. Unang pagkakataon iyon na may nagbigay sa kanya ng mga babasahin. “S-salamat po, Senyor. Umasa po kayo, babasahin ko po talaga ito.”
Kumumpas ang mga kamay ni Amadeo na parang pinatitigil siya sa pagsasalita. Nagpasalamat na lang uli siya at dinala ang mga aklat sa kanyang tulugan. Mamaya kapag off na siya ay uumpisahan niyang basahin.
Hindi nakikipag-usap si Amadeo kahit kanino sa bahay na iyon maliban sa mga magulang nito. Kaya di magkamayaw ang mga kapwa niya katulong nang ikuwento niyang binigyan siya nito ng libro.
“Baka kursunada ka!” palatak ng isa niyang kasamahan. “Sabagay, sa ganda at seksi mong iyan ay hindi malayong makursunadahan ka niya.”
“Oo nga,” susog ng isa pa. “Naku, baka dumating ang panahon ikaw na ang senyorita namin dito.”
“Hindi naman,” nahihiya niyang sagot. “Baka dahil nakatapos ako ng hayskul saka ako ang pinakabata kaya alam niyang nagbabasa pa ako ng mga aklat. Saka hindi ako magugustuhan noon. Katulong lang ako...”
“Malay mo,” hirit naman ng isa pa. “Sa pag-ibig wala namang nakakapigil kahit pa langit at lupa ang agwat n’yo.”
Nagkibit-balikat na lang siya.
Hanggang may inihirit si Olga. “Pero pag nagkatuluyan kayo mag-iingat ka kay Senyor Amadeo.”
“Bakit naman?” takang tanong niya. Maging ang mga kasamahan nila ay nagulat din sa sinabi ni Olga.
Humina ang boses ni Olga nang muling magsalita. “Kasi noong ako pa ang naglilinis ng kuwarto niya, napasukan kong tulog na tulog. At walang saplot...”
Napahesusmaryosep ang iba nilang kasamahan.
Nagpatuloy si Olga. Mahinang-mahina pa rin ang boses. “Hindi sinasadya ay nakita ko ‘yung kuwan niya...”
Lalong lumakas ang hesusmaryosep. Pati mga mata nila ay naglakihan.
“At alam n’yo ba kung gaano kalaki?” gumala ang tingin ni Olga. Noon ay nasa kusina sila ng mansion.
Isang kasamahan nila na tila natutuyuan ng laway ang nagtanong. “Gaano ba kalaki?”
Nahagip ng mga mata ni Olga ang isang malaking pipino na isasahog nila sa inihahandang salad. Dinampot nito iyon. “Malaki pa rito!”
Nagkatilian sila.
Inilagay ni Olga ang hintuturo sa bibig at bigla silang natahimik. Nagpatuloy ito. “At hindi pa iyon tigas, ha? Malambot na malambot pa.”
Napanganga ang lahat. Tila hindi makapaniwala sa rebelasyon ni Olga.
Isa ang hindi nakatiis, nagtanong. “Buti hindi mo hinawakan?”
“Muntik na!” mabilis na sagot ni Olga.
Tawanan muli.
Natahimik silang bigla nang marinig nilang may nagbukas ng ref. Nakita nila si Amadeo na kumuha ng malamig na tubig. Ni hindi tumingin sa kanila. Naghiwa-hiwalay silang bigla at kanya-kanyang kilos para hindi nito mahalata na ito ang subject ng kanilang huntahan.
Ewan ni Iza kung bakit lalo siyang nagkamalisya kay Amadeo dahil sa kuwento ni Olga. Mula noon, madalas siyang palihim na sumusulyap sa pagitan ng hita ng amo.
Minsan ay naglalakad ito sa tabi ng swimming pool at nakasuot lang ng gardener’s pants. Para iyung jogging pants ngunit mas malambot ang tela. Walang bulsa at tali lang ang panghigpit, hindi garter. Palakad-lakad ito na nakayuko habang hawak ang baba, tila malalim na nag-iisip. Nakahubad baro rin ito kaya naka-expose ang maskuladong katawan.
Hanga siya sa katawan nito dahil pormado. Hindi niya ito nakikitang nag-eehersisyo o nagbubuhat ng kahit dumbbells man lang. Pero mahilig itong maglakad sa bundok, twice o thrice a week. Sabado’t Linggo naman ay nagbibisikleta ito. Aalis ng bandang alas singko ng umaga, darating ng alas diyes na basambasa ng pawis. Kung minsan ay nagpapapunas sa kanya ng pawis sa likod, kung minsan ay hindi.
Nang partikular na araw na iyon na tila may malalim itong iniisip habang naglalakad sa gilid ng swimming pool ay kinawayan siya nang mapatunghay ito. Lagi kasi siyang nakaabang sa mga iuutos nito. Lumapit siya rito.
“Bakit po, Senyor?” agad niyang tanong. Agad siyang tila nanghina nang mapatingin sa suot nito at naaninag niyang wala itong briefs.
Hindi ito nagsalita pero nagmuwestra ng kape at dyaryo. Agad siyang tumalima. Iyon siguro ang gusto nito sa kanya, mabilis niyang nakukuha ang mga senyas nito. Hindi gaya ng mga kasamahan niya na madaling mataranta pag tinatawag nito at nagkakamali tuloy ng gagawin.
Inuna niya ang dyaryo at iniabot dito. Naupo ito sa upuang bakal na may bilog na mesang bakal din at sinimulang magbasa. Agad naman siyang nagtungo sa kusina at ipinaghanda ito ng kape.
Nang dalhin niya ang kape ay nagbabasa na ito ng dyaryo. Natatakpan ng dyaryo ang mukha nito kaya nabistahan niya ang nasa pagitan ng hita nito.
Napalunok si Iza nang makitang nakabakat ang kargada ni Amadeo. At totoo nga ang kuwento ni Olga. Sa pagkakabunton ng alaga nito sa pagitan ng hita nito, mahahalatang malaking-malaki iyon.
Naramdaman na naman ni Iza na may umagos na malagkit-lagkit, mainit-init na katas sa pagitan ng kanyang mga hita.
SUBAYBAYAN!