Skip to main content

Angelica maraming hugot sa status ng relasyon nila ni John Lloyd

February 5, 2015

SI Jennylyn Mercado pala ang bagong leading lady ni John Lloyd Cruz sa Star Cinema movie na si Cathy Garcia-Molina ang director.

Kaya lang, sa summer pa raw ang showing nito kaya matatagalan pa bago makausap ng press si John Lloyd.

Panay kasi ang pakawala ng hugot lines ni Angelica Panganiban sa kanilang show na Banana Sundae at ang pinaka-latest niyang pinakawalan ay ang “Nasaktan? Tinatanong mo ako kung nasaktan ako? Oo, nasasaktan ako. Pero hindi ko ‘yun sinasabi dahil hanggang ngayon, mahalaga pa rin siya sa akin. Pero ang sakit-sakit na.”

Grabe ang lalim ng hugot ng aktres, na obvious na umiiwas na ma-interview dahil sa thanksgiving press conference ng Pangako Sa ’Yo ay hindi siya dumalo.

EDITOR’S TAKE:

Dapat kasi ay inaamin na lang na tapos na ang kanilang relasyon para tapos na rin ang pag-e-emote.