Skip to main content

Arci Muños nakatagpo ng hindi selosong BF

February 16, 2015

SOBRANG happy ni Arci Muñoz dahil pagkatapos ng halos isang dekada ay nakapagbida na rin siya sa isang pelikula. Katambal ng aktres si Gerald Anderson sa Always Be My Maybe na mapapanood na sa February 24.

Malaki ang pasasalamat ni Arci sa Star Cinema dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya na gawin ang proyekto.

“Kasi I know that I work hard for this and it’s not just a 24-hour na success for me. I’m here for almost 9 years since I started. I transferred to different networks and finally, ABS-CBN gave me this big opportunity, this big chance to showcase my talent,” nakangiting pahayag ni Arci.

“Para sa akin, I’m excited na to show them I’m worth the wait. Parang love lang din ‘yan, di ba? So I’m really thankful and grateful, I don’t know how to thank them enough, lalo na kay Ms. Malou (Santos) sa napakaganda at napakalaking opportunity na ito,” dagdag ng aktres.

Hindi naman daw nailang ang aktres kay Gerald habang ginagawa ang kanilang sexy scenes.

“Gerald is a gentleman, super gentleman. I’m not wondering why girls talaga fall for him, head over heels. He’s a gentlemen,” paglalarawan ng dalaga sa aktor.

Ngayon ay isang half-Pinoy, half Bruneian ang kasintahan ni Arci at hindi raw naging problema sa lalaki kahit nagkaroon ng sexy scenes ang aktres at si Gerald.

“Hindi nakakaintindi ng Tagalog ‘yun kaya okey lang. Hindi rin nanonood ‘yun ng kahit anong ginagawa ko,” natatawang pahayag ni Arci.

Hindi rin ipinagpapaalam ng aktres sa binata tuwing gumagawa siya ng sexy scenes sa mga proyekto.

“Alam na niya ‘yun. Part na ng pagiging artista ko ‘yun. Siyempre dahil hindi naman siya sanay sa ganitong buhay, na meron siyang girlfriend sa showbiz. Ipinapaintindi ko na lang sa kanya na bakit sa Hollywood, mas malala pa, ipinapakita pa ‘yung boobs, ganyan. Para lang malaman niya na mas malala ‘yun,” paliwanag pa niya.

How sad naman for Arci na binawian ng buhay ang kanyang amang si Manuel Ramon Muñoz only less than two weeks, bago mag-showing ang puwede niyang ituring na biggest break niya as an actress.

Nasa shooting pa si Arci ng Always Be My Maybe, na may mga eksena pang dapat tapusin nang mamayapa ang kanyang ama noong February 15.

EDITOR’S TAKE:

Laging may dalawang mukha ang tagumpay.