Skip to main content

Bagong kasal pero dry ang kanilang sex life

December 1, 2015

BAGONG kasal sina Gene at Kate pero hindi raw sila nagse-sex nang regular. Active daw si Gene at hangga’t maaari ay gusto niyang madalas ang kanilang pagniniig dahil halos nasa honeymoon stage pa sila. Alam daw naman niyang sa estado nila ngayon ay kailangan talaga na madalas nilang gawin iyon, pero dumarating sa point na isang buwan na ang nakararaan ay walang nangyayari sa kanila. At hindi raw okey iyon sa kanya.

Twenty-seven pa lang si Gene at 25 si Kate. Sa age nila ay dapat daw na maraming sexual experiences silang maranasan at hindi ‘yung parang nasa home for the aged na agad sila.

Ano raw kaya ang dahilan?

EDITOR’S TAKE:

Hindi siguro sila compatible sexually. Kung hindi okey kay Gene ang ganito at hindi siya makatatagal, dapat niyang maging honest kay Kate.

Mahalagang factor ng marriage ang sex, pero dapat ay tungkol din ito sa compatibility at hindi ‘yung kung nakakailan sila sa isang linggo.

Nagkakaproblema dahil active si Gene at si Kate ay hindi. Totoo naman na sa edad nila at hindi sila madalas mag-contact lalo pa at bagong kasal sila, may mga bagay na hindi na nagwo-work.

Kung laging ganito ang sitwasyon, posibleng mambabae si Gene. Mas lalala ang kanilang problema.

Pero kailangan niyang kausapin si Kate. Bakit ba ayaw nito na magniig sila? Tingnan nila at subukan ang mga paraan para maging masaya at mainit ang kanilang mga gabi.