Skip to main content

Baguhang pulis pinutukan ng nobya

January 25, 2016

NASA malubhang kalagayan ang isang bagitong pulis matapos barilin ng kanyang nobya dahil sa matinding selos. Naganap ang insidente sa Barangay Paratong, bayan ng Paoay, Ilocos Norte.

Napuruhan sa kanang bahagi ng tiyan ang biktimang si PO1 Freddiemar Sacramento ng Solsona PNP sa Ilocos Norte. Naaresto naman ang kasintahan nito na si Genevieve Labao. Ang dalawa ay kapwa nakatira sa Rosemond Village ng nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nabatid na nag-away ang magkasintahan dahil sa matinding pagseselos hanggang sa mauwi sa pamamaril ng suspek sa biktima gamit ang cal. 9mm pistol.

Naisugod naman sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City ang biktima, habang ang suspek ay nasa pangangalaga ngayon ng pulisya.

EDITOR’S TAKE:

Konting ingat sa dalang kargada pag may diskusyon sa nobya.