Skip to main content

Bea Alonzo at Zanjoe Marudo inamin nang may gusot sa kanilang relasyon

July 29, 2015

HINDI na itinanggi ni Zanjoe Marudo na dumaraan sa krisis ang relasyon nila ni Bea Alonzo.

Sa panayam sa kanya ng Aquino and Abunda Tonight  noong July 28, sinabi ng Kapamilya actor na ilang beses na ring nagkaroon ng problema ang kanilang samahan.

“Hindi naman ito ang unang beses na meron kaming pinagdaanan ni Bea. Maraming beses na. Siyempre ang pagmamahal, hangga’t hindi nawawala ‘yun, hangga’t naroon ang pagmamahal, kahit anong problema ang dumating sa amin, hindi kami matitibag kung mahal pa rin namin ang isa’t isa.”

Kamakailan ay kumalat sa social media ang sweet photos nina Zanjoe at Bea sa recent show nila sa London. Ayon sa aktor, nakabuti sa kanilang relasyon ang naturang biyahe.

“Masaya kami, kagagaling lang namin sa London. So, ayun, nag-enjoy kami."

Pinabulaanan naman ni Zanjoe ang balita na nagde-date sina Bea at Paulo Avelino. Sana raw ay huwag nang mangdamay ng ibang tao dahil wala namang  third party sa pinagdadaanan nila.

“’Yun nga ‘yung hindi maganda, may mga nadadamay pang ibang tao. Dahil hindi naman ganoon ‘yung nabuo naming relasyon ni Bea na alam ng tao. So, hindi maganda na nadudumihan dahil sa mga ganoong klaseng isyu. Hindi ‘yun kasali sa kung anuman ‘yung pinagdadaanan namin ni Bea.”

Unang nalaman ng publiko ang problema sa relasyon nila nang mag-isa lang bumiyahe si Zanjoe sa Spain noong unang linggo ng Hulyo.

Noong July 27, sa press conference ng The Love Affair, nagbigay ng karagdagang pahayag si Bea tungkol sa pinagdadaanan nila ni Zanjoe.

Sabi ng aktres, “Lahat naman tayo, hindi naman mawawala 'yon, di ba? ‘Yung pinakaimportante naman ay kung paano mo iha-handle ang sarili mo pagkatapos ng lahat nang ito. So there, we're working it out, and masaya naman kami, okey naman kami.”

EDITOR’S TAKE:

Ang problema sa relasyon ng parehong nasa showbiz, ang kaunting lamat ay hindi na nareretoke. At kapag naging public na sila sa pag-amin sa gusot, seryoso na iyon. Our fearless forecast, matutuloy na sina Bea at Zandro sa hiwalayan.