Skip to main content

BF sinaksak ng lalaking 'fan' ng GF

October 3, 2015

KRITIKAL ngayon ang kalagayan sa pagamutan ng isang binata makaraang pagsasaksakin ng lalaking tagahanga ng kanyang girlfriend sa Malabon City.

Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Jonathan Hernandez, 27, ng 45 Camus St., Brgy. San Agustin ng nasabing lungsod.

Tnutugis naman ng mga awtoridad ang suspek na kinilala lamang sa alyas na Cookie, ng Mallari St. ng nasabi ring lugar, na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni PO3 Rommel Habig, 11 p.m. nang maganap ang insidente sa Vidal St., Brgy. Ibaba ng lungsod.

Kasama ng biktima ang girlfriend na si Romina Dorado habang naglalakad sa lugar nang masalubong nila ang suspek kasama ang tatlong kalalakihan.

Bigla na lamang pinagmumura ng suspek ang biktima at sinabing nagseselos ito dahil kursunada nito ang kasintahan ni Hernandez. Nagresulta iyon sa mainitang pagtatalo ng dalawang lalaki. Agad na bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima bago mabilis na tumakas kasama ang mga kabarkada.

EDITOR’S TAKE:

May gusto pala sa babae, hindi nanligaw. At wala na ngang karapatang magselos, nanaksak pa. Madakip sana agad ang hunghang!