Skip to main content

BLIND ITEM: Ang 'Ate' ng 'biktima' ang talagang gusto!

October 4, 2015

KONTROBERSYAL ngayon ang isang showbiz family dahil sa isang lihim na gusto sana nilang ibaon sa limot pero muling nahahalukay. Lumulutang muli kasi ang nakaraan dahil sa desisyon ng isang miyembro ng pamilya na sumabak sa isang larangan—pero ayon sa isa pang miyembro ay huwag na lang dahil nakakaladkad ang mga pangalan ng mga taong nananahimik na.

Isa ring miyembro ng pamilya ang nagsasabing “urban legend” lamang ang matagal ng tsismis na ngayon nga ay muling lumutang.

Pero may mga kuwentong dokumentado ukol sa naganap. At ang nakagugulat, hindi pala ang “biktima” ang talagang gusto ng “nambiktima” kundi ang nakatatandang kapatid nito.

Malaki raw ang pagkagusto ng nambiktima sa ate ng biktima. Pero ang ginawa ng ate para makaiwas ay agad itong nagpakasal sa nobyo para mawala ang interes dito ng nambiktima.

Dahil dito ay nabaling ang interes ng nambiktima sa biktima—at naisagawa ang maitim na balak. Ang naganap ay isa ngang tila sumpa sa pamilya na ngayon ay muling mainit na napag-uusapan.

Matatapos lang daw ang isyung ito kung ang siyensya mismo ang kokonsultahin ng mga magkakapamilya para matiyak kung nasa ugat nga nila ang genes na taglay ng isa’t isa na mapagkikilanlan.

Iyon nga lang, may isang ayaw pumayag sa prosesong ito. Masakit nga naman na malaman ang katotohanan na buong buhay nila ay pilit nilang itinatanggi.