Skip to main content

BLIND ITEM: Female celebrity naging sobrang open sa usapang sex!

October 11, 2015

AMINADO ang female celebrity na ito na naka-sex niya ang dalawang bokalista ng magkaibang banda. Anyway, okey lang naman siguro iyon dahil pareho naman niyang nakarelasyon ang dalawa sa magkaibang panahon.

Iniilusyon naman niya ang isang kontrobersyal na male celebrity na na-involve noon sa isang malaking scandal. Nang tanungin kasi siya kung sino ang gusto niyang matikman o makatikiman, binanggit niya ang pangalan ng kontrobersyal na male celebrity.

Nakagugulat ang kanyang pagiging prangka. Sa mga nakalipas na panahon kasi ay naging laman ng balita si female celebrity dahil sa aniya ay mapait na karanasan na naganap sa kanya minsang gumimik siya sa bar. Hindi niya binanggit kung sino, pero ayon sa kanya ay nalapastangan siya ng isang manyakis.

Kaya tayo nagulat sa pagiging game niya sa kanyang mga rebelasyon ukol sa sex. Para sa isang nakaranas ng hindi maganda sa kamay ng isang manyak, usually ay may phobia sa mga topic na may kinalaman sa sex, pero cool lang siya. And to think na ngayon, ang gusto pa niyang makatikiman ay nagsamantala rin sa mga kababaihan.

Well, baka naman iyon ang pinaka-therapy niya. Na kung open siya sa pag-uusap ukol sa bagay na iyon, mas madali siyang makakalimot sa kanyang mapait na karanasan.

Clue?

Itago natin siya sa alyas na ‘K’.