Skip to main content

Blind Item: Hindi marunong umarte ang tsinitong aktor

PAGKAKATAON na sana ng aktor na ito na ipakita ang kanyang husay sa pag-arte nang ibigay sa kanya ang malaking role sa isang teleserye ng kanilang network. Ang kaso, naimbyerna sa kanya ang direktor dahil hindi naman daw siya masyadong maka-deliver ng mga linya.

Imagine, sa isang eksena ay naka-32 takes ito! Buti na nga lang daw at digital na ang mga camera na gamit ngayon, kundi ay namulubi ang producer sa dami ng masasayang na negatives!

Wala raw talagang mapiga ang direktor sa acting ng aktor, what more pa kaya kung sa mas mabibigat na eksena na siya isasalang? Kaya ang naging desisyon ay tsinugi at pinalitan na lamang siya sa serye dahil kung pagtitiyagaan kasi siya ay lalamunin lamang siya ng mga co-actors na pawang mahuhusay umarte.

Naitambal na siya noon sa isang sikat na young actress (na tsinita!) at kumikita namam ang kanilang love team dahil comedy ang tema ng kanilang naging movie, pero parang pagdating talaga sa drama ay banong umarte si aktor.

Sayang, tsinito pa naman...