Skip to main content

BLIND ITEM: Kahit noong high school pa lang siya, playgirl na ang model-actress!

August 2, 2015

HIGH school pa lang pala ang model-actress na ito ay sadyang playgirl na. Halos lahat nang kaklase nitong lalaki, at maging mula sa ibang section, ay naging syota niya.

Mahilig din daw itong maglakwatsa kahit oras ng klase. Madalas itong tumambay sa mall, at pag may nakitang magsyota ay pipiliting akitin ang lalaki nang ora-orada. Handa rin daw itong makipag-catfight sa mga babaing inaagawan nito ng syota.

Kaya hanggang ngayon na sikat na siya at may pangalan ay dala-dala nito ang ganoong attitude na palaagaw ng syota ng iba.

Sabi pa ng mga kaklase nito, nagulat din daw sila nang malaman na naging artista ang model-actress. May hitsura naman daw ito kahit noon pa pero ibang-iba na raw ngayon at napakinis pa. Sabagay, aminado naman ito na may mga ipnaretoke sa katawan.

Ang model-actress ay kasama sa isang serye at natitsika ngayon sa guwapong ka-love team.