Skip to main content

Blind Item: Talent fee ng young actor diretso sa bulsa ng manager!

HINDI raw talaga nakahahawak ng pera ang young actor na ito dahil lahat nang kinikita niya ay diretso na sa kanyang manager. Kuwento ng aming source, sa isang show sa probinsya ay wala man lamang daw dalang cash ito at kahit gusto sanang bumili ni young actor ng mga pasalubong na delicacies para sa kanyang pamilya ay wala naman ito kapera-pera!

Naawa naman ang aming source at nag-offer na pauutangin ito ng dalawang libo—na tinanggap naman daw ni young actor. So, nagkaroon ito ng pambili ng espasol, at nangakong once na magkadatung ay babayaran ang aming source.

Ipinaliwanag din daw ni young actor sa aming source na lahat pala talaga nang kinikita niya ay nakuha na, in advance, ng kanyang manager kaya wala siyang hawak na pera.

Ha? E, di ba ang yaman-yaman ng manager niya?

Anyway, lumipas na ang ilang buwan ay nakalimutan na ring bayaran ni young actor ang inutang na pera—bagay na pinalampas na lamang ng aming source. It is better to give than to receive.

Ang young actor na dahop at may amnesia sa pagbabayad ng utang kahit may manager na big time ay may karelasyong sikat din na young actress sa kanilang network na may puso!

Ayan, may konting clue na, ha?

Nahulaan n’yo ba kung sino?