Skip to main content

Block sa FB, gilit naman ang leeg

February 13, 2016

GINILITAN sa leeg ng isang 18 anyos na lalaki ang kanyang girlfiend bunsod nang matinding selos sa Brgy. Puti-an, bayan ng Bantayan, Cebu noong Pebrero 1.

Ayon kay PO1 Jay Desucapan ng Bantayan Police Station, nag-away ang dalawa dahil nagduda ang suspek na may ibang minamahal ang 18 anyos na nobya na nag-aaral ng kolehiyo sa bayan ng Madredijos sa nasabing isla.

Ito’y dahil sa pag-block ng biktima sa suspek sa social media na Facebook at hindi na makontak sa telepono.

Kinumpronta ng suspek ang biktima sa mismong bahay ng nobya at sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay biglang kumuha ng kutsilyo ang una at nilaslas ang leeg ng kolehiyala.

Inamin ng suspek ang krimen at sinasabing nagawa niya iyon dahil sa hindi pag-amin ng biktima na mayroon na itong iba.

Samantala, sinabi ng mga doktor na kaunti na lamang at malapit nang maputol ang lalamunan ng biktima.

Kusang sumuko ang suspek sa ama ng biktima na isang barangay tanod.

Nasa mabuti ng kalagayan ng biktima na mariing pinabulaanan ang akusasyon ng nobyo partikular ang pag-block dito sa Facebook.

EDITOR’S TAKE:

Ito ang relasyong pag nakipagbalikan pa ang biktima sa suspek ay puwede nating sabihing talagang may forever.