Skip to main content

Crush ang guy, ang girl ang gumawa ng first move

NAKATUWAAN minsan ni Dan Kottke, 31, isang architect, ng Minneapolis, Minnesota isang gabi na wala siyang magawa na kumuha ng online personality tests sa "missed connections" ng Craigslist, isang online community.

Kuwento niya, “People would post things like ‘I saw you on the number 7 bus,’ and I’d think that would be amazing if they actually got together. One night I saw a note from a woman named Erin that read, ‘Matt and Dan, the architects.’”

Kaibigan ni Dan si Matt na kapwa niya architect at nakilala nila si Erin, 26, isang marketing officer, kamakailan sa isang indie rock concert. Ang naging reaksyon niya sa post ni Erin, "I think she means me."

Sa concert ay nag-usap sila noon ni Erin nang ilang minuto, at nalaman niyang pareho sila ng gustong musika. Nagandahan din siya rito at nagustuhan niya ang masaya nitong personalidad. Pero nang magsimula na ang concert ay nagkahiwalay sila ng puwesto at di na niya ito nakita.

Naisip daw ni Dan, “Who knows where that would have gone.”

Kaya ang ginawa niya ay nag-comment siya sa post ni Erin ng: "We should hang out."

May concert uli sa nasabing area kaya niyaya niya itong manood. Nalaman niyang nasa iisang lugar lang ang kanilang tirahan at tatlong bloke lang ang distansya.

Mula noon ay ilang linggo silang laging magkasama, na ayon kay Dan ay naging “getting to know each other period” bago sila nagdesisyong magkaroon ng romansa. Mabilis aniya ang naging takbo ng mga pangyayari.

Para naman kay Erin, ang impresyon niya sa mga arkitekto ay parang mga nerd or geeky. Nang sabihin daw ni Dan na isa itong arkitekto, akala niya ay nagsisinungaling ito. Pero nang magsimula raw silang magkuwentuhan, naramdaman niyang papunta sa maganda ang kanilang pagkikilala.

Kaya nang magkahiwalay raw sila sa concert ay siya na ang gumawa ng move sa Craiglist at nag-message siya kay Dan na mag-e-mail sa kanya.

Ayon kay Erin, “Since it was a romantic and idealistic thing to do, I was shocked when Dan replied in just a couple of days. Then I felt nervous: I didn't want to be ‘the girl from the Internet.’ But we really hit it off. I told my parents, ‘This feels right.’”

Makalipas ang anim na buwan ay nagpakasal sina Dan at Erin, at agad nabiyayaan ang kanilang pagsasama ng isang anak na lalaki.

EDITOR’S TAKE:

Malaking bagay na hindi inisip ni Erin na baka maging big deal kay Dan kung siya ang gagawa ng first move. May mga lalaki kasi kung minsan na kailangan talagang makanti ng babaing may crush dito ang curiosity para lalong mapukaw ang interes. At dahil sa kanyang naging effort, nauwi sa happy ending ang aksidenteng pagkikilala nila sa concert.

Kung hindi niya ginawa iyon at napunta sila ni Dan sa ibang partner, patuloy siyang magtatanong sa sarili ng maraming “what ifs” sakaling magkrus uli ang kanilang landas at nasa piling na sila ng iba.

If it feels good, go for it.