Skip to main content

Dahil sa sex enhancer pill lalong hindi narating ang langit

January 28, 2016

PATAY ang isang 50 anyos na mekaniko makaraang uminom ng sex enhancer pill sa Davao City.

Sinasabing kasama ng biktima ang kanyang 50 anyos na nobya nang mag-check in sa isang hotel.

Base sa paunang imbestigasyon, bigla na lang nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang mekaniko.

Ipinasyang matulog na lamang ng biktima ngunit hindi na ito nagising.

Nakuha sa loob ng bag ng biktima ang lalagyan ng sex enhancer pill.

Hinala ng pulisya, ininom na niya ito bago pa pumasok sa hotel.

EDITOR’S TAKE:

Matagal nang ipinagbabawal ng mga doktor ang ganitong klase ng pills sa mga may sakit sa puso o hypertensive. Kaya sa mga kalalakihan na gustong mag-take nito, magtanong muna sa doktor para sure ang ligaya.