Skip to main content

Enrique Gil at Liza Soberano walang kissing scene sa bagong serye

February 6, 2016

MAGSISIMULA na sa Kapamilya network ang teleseryeng Dolce Amore na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Sa Forevermore pa huling nagkatambal sa telebisyon ang dalawa noong isang taon kaya siguradong kinapapanabikan na sila ng LizQuen fans.

“It feels good to be back, nakaka-miss din, eh. Sa mga hindi pa naka-get over sa Forevermore, heto na po kami ulit. Coming from the success of Forevermore of course they’re going to expect na ‘yung Dolce Amore ay gano’n din. You can’t please everybody but try your best. ‘Yung sinasabi ko lang, basta maka-enjoy tayo, the people will see that din. So, pag nawala ‘yung essence ng enjoyment nila, wala na,” nakangiting pahayag ni Enrique.

Noong isang buwan ay nakapag-debut na si Liza kaya nasa hustong gulang na ang dalaga at maaari nang gumawa ng kissing scenes.

“Wala pa po, bata pa ‘yan. Wala pa po ‘yan, sweet love lang dito. The love story is something very innocent, very real, light lang. ‘Yung magaan lang,” giit ni Enrique.

Tiniyak niya na ikatutuwa ng mga tagahanga ng tambalang LizQuen ang lahat ng eksenang mayroon sila sa bagong serye.

Malaking bagay daw para kay Enrique ang pagkakaroon nila ng chemistry ng aktres sa lahat ng kanilang ginagawa.

“I think the secret to having chemistry is having not trying to have chemistry. It just comes naturally. I didn’t have to think about it, just enjoy. It’s hard not to be hard on yourself. The more you think about it, halatang you’re trying hard. Just believe in yourself and enjoy, and people will see that,” paliwanag ni Enrique.

Nakakadalawang taon pa lamang si Liza sa showbiz kaya ibang-iba raw ang pananaw niya kumpara sa aktor lalo na kapag nakararamdam ng pressure ang dalaga. Anang aktres, “Pagdating sa pressure, ako ay kabaligtaran ni Quen. I tend to over think. Ako ‘yung talagang hard on myself.”

Mas pinagbubuti na lamang ng dalaga ang trabaho ngayon upang mas maging masaya ang mga manonood. Sabi nga niya, “I want every show to have something different and to be able to show that I am capable of giving something else, offering something else to the audience. And I just want that the management can also see more potential in me and that I can do other things.”

EDITOR’S TAKE:

Okey lang na kilig-kilig scenes muna dahil bagets naman ang audience nila at wholesome ang kanilang love team.