Skip to main content

Erik Santos willing kumanta sa kasal ng ex-GF

February 5, 2016

ENGAGED na si Rufa Mae Quinto sa non-showbiz boyfriend nito. Kamakailan ay ipinaalam ng aktres sa publiko ang tungkol sa kanilang engagement ng Filipino-American na si Trevor Magallanes.

Masayang-masaya naman ang dating kasintahan ni Rufa Mae na si Erik Santos sa nalalapit na pagpapakasal ng aktres.

“I think it’s time for her to get married. I know she loves her family so much. Grabe na ‘yung serbisyong naibigay niya sa pamilya niya. So this is the right time na sarili naman niya ang intindihin niya and she deserves that. She deserves to be happy,” nakangiting pahayag ni Erik. “Sana lang alagaan talaga siya ng kung sino man ang mapapangasawa niya.”

Hinding-hindi raw makalilimutan ni Erik ang naging relasyon nila ni Rufa Mae noon.

“Unforgettable kasi marami kaming bagay na pinagsamahan, and na-feel ko rin sa kanya ‘yung through thick and thin nandiyan siya sa tabi ko no’ng mga panahon na ‘yon. Until now we are really good friends. Kasi we try our best to be best of friends pa rin,” pagbabahagi ni Erik.

Kung sakaling imbitahan ni Rufa Mae ang singer na kumanta sa gaganaping kasalan ay pauunlakan naman daw ito ni Erik.

“I’m more than willing to sing for her wedding. Iba naman ang pinagsamahan namin and we are still friends. Sobra akong masaya para sa kanya,” pagtitiyak pa niya.

EDITOR’S TAKE:

Ganyan dapat ang mag-ex, walang sama ng loob sa isa’t isa matapos ang relasyon.