Skip to main content

First meeting ng mag-asawa naganap 16 years before their blind date

ANG New Jersey couple na sina Jourdan at Ryan Spencer ay nagkita sa isang blind date noong 2004—pero una na pala silang nagkita 16 year na ang nakararaan! Naikuwento nila ito sa The Huffington Post.

Sa isang lumang video noong 1988 na pinanood nila kamakailan, 10 years old pa lang si Jourdan nang mamasyal ang kanilang pamilya sa Sesame Place amusement park sa Langhorne, Pennsylvania. Nakapila siya para sa water slide nang lapitan siya ng 13 years old na si Ryan.

Kuwento ni Jourdan, "Ryan walked past [in the video] and he said, 'That looks like me!' We stopped it and rewound it and watched it again, it happened so quickly. We just kept watching it and rewinding it and watching it. We got out pictures of him at that age. There was no doubt about it—his ears, his nose, his horrible glasses, his choppy bangs—just no doubt about it!"

Parehong lumaki sina Ryan at Jourdan sa New Jersey at naalala ng kani-kanilang pamilya ang pagbisita sa Sesame Place sa panahong iyon. Nang ikuwento nila sa mga kaibigan ang tungkol sa video, walang maniwala sa mga ito.

Nagkataon pang nawala ang kopya ng video sa bahay ng parents ni Jourdan nang malubog ang lugar nila sa Hurricane Sandy.

Mabuti na lang at isang kapamilya nila ang may nahalungkat na lumang video at kasama roon ang nasabing footage.  

"We were watching home movies and we saw Sesame Place and went, 'Oh, maybe this is it.' And we said, 'No no no, we lost that one,'" ani Jourdan. "And then Ryan walked past. All of my siblings were here on that day. It was insane. Screaming, crying, everyone was so excited!"

Naniniwala raw si Jourdan na walang coincidences, ang mga bagay na tulad nito ay nangyayari dahil may dahilan. Aniya, "It’s beyond what I can fathom in my mind. It could be a movie."

Nakatira ngayon ang mag-asawa sa Scotch Plains, New Jersey at may 3 anak. Ang panganay na babae nila na 6 years old ay kinikilig sa kuwentong ito.

"She keeps saying, 'How did Daddy know you were there?' 'Why were you there on the same day?' 'Was Daddy looking for you?' Because there's a part where it looks like he lost someone and is trying to find the people he was with. She wants to go back. She wants to know when we can go to Sesame Place," sabi pa ni Jourdan.

EDITOR’S TAKE:

Nakakaiyak at nakakakilig ang ganitong love story. Good thing na na-retrieve nila ang nawalang video footage. Bihira ang ganitong pangyayari, and we hope na maging matibay na pundasyon ito para sa lalong ikatatag ng pagmamahalan nina Jourdan at Ryan.