Skip to main content

'Ipinapatay niya sa akin ang misis niya!'

February 12, 2016

POSIBLENG makulong ang isang 50 anyos na trader matapos itong ituro ng nadakip na suspek kaugnay sa pagpatay sa kanyang misis sa kanilang bahay sa bayan ng Diffun, Quirino kamakailan.


Ayon kay Quirino PNP Director P/Senior Supt. Andres Sinaon, nadakip ng mga operatiba ng pulisya ang suspek sa inilatag na follow-up operation subalit pansamantalang itinago muna ang kanyang pagkakakilanlan.


Ayon kay Sinaon, itinuturo ng suspek ang mister na si Romulo Adauag na siyang nag-utos at nagbayad sa kanya para patayin sa saksak ang misis nitong si Nenita Adauag, 50.


Gayunpaman, isinantabi ng mga imbestigador ng pulisya ang motibo ng pagnanakaw at sinusundan ang anggulong selos at love triangle sa kaso.


Nabatid na kagaga­ling lamang magbakasyon mula sa London ng mag-asawang Adauag na nagmamay-ari ng malaking hotel sa Santiago City, Isabela.

EDITOR’S TAKE:

Mabigat ang akusasyon ng suspek sa mister ng biktima kaya kailangang maging maingat ng mga pulis sa paghawak sa kasong ito.