Skip to main content

Iya Villania hanga sa naging respeto sa kanya ni Drew Arellano

INAMIN ng TV host/actress na si Iya Villania na wala silang bonggang sorpresa sa isa't isa sa nagdaan nilang first wedding anniversary ng asawang si Drew Arellano. 

Ayon sa 28-year-old actress, sa 10 taong pinagsamahan nila bilang magkasintahan ay lubos na nilang nakilala ang isa't isa kaya hindi na big deal ang mga surprises kapag may mga okasyon. 

"Nothing major except now that we're married we get to wake up next to each other, we live under the same roof. But in terms of how he is in the house or to live with, walang masyadong nakagugulat kasi before we got married wala naman siyang kasama sa bahay. Wala naman siyang driver. So, kung ano siya before we got married I already got to see before," paliwanag ni Iya. 

Enero 2014 nang gulatin nina Iya at Drew ang kanilang fans matapos ang kanilang pag-iisang dibdib na naging malayo sa limelight. 

Sa kabila ng 10 taong pagiging magkasintahan, iginiit ni Iya na napanatili niya ang kanyang virginity gaya ng kaibigang si Nikki Gil. Gayunpaman ay nirerespeto niya raw yaong mga sumusubok sa pre-marital sex.

"Doon ko naman na-confirm na mahal niya (Drew) talaga ako. He was very patient, yes. I mean, it's easy now for me to say because we're married now," saad ng TV host.

Wala pang plano ang dalawa na magkaroon ng anak dahil mga bata pa raw naman sila at sinasamantala pa ang mga opportunity na dumarating sa kani-kanilang career.

EDITOR’S TAKE:

Maituturing na role model sa mga kapwa nila artista ang naging relasyon niya Iya at Drew. Hindi biro ang sampung taong relasyon bilang magkasintahan. Kung sa iba-iba siguro ay baka nagkasawaan na sila.

Ano ang biggest factor at nagtagal sila at nauwi sa kasalan?

Hindi kasi kasama ang “sex” sa kanilang romansa noong magsyota pa lang sila. Mahirap paniwalaan, pero kung nagawa nila iyon ay kahanga-hanga.

Bilib tayo kay Iya dahil sa kanyang disposisyon na hindi muna ibigay ang sarili sa aktor. Mas lalo naman tayong bilib kay Drew sa respetong ibinigay niya sa aktres. Kung sa ibang lalaki, ang motibasyon sa pagkakaroon ng syota ay maangkin agad ang babae, sa kanya ay naghintay siya ng tamang panahon.

At dahil dito, nakatitiyak sina Drew at Iya dahil sa napatunayan nila sa loob ng 10 taon na karapat-dapat sila sa isa’t isa, at anuman ang maging problema sa hinaharap ay kaya nilang solusyunan.

Ito rin ang dapat maging batayan ng iba pang magkasintahan. Hindi umiikot ang isang relasyon sa sex lamang. Respeto at tapat na pagmamahalan ang pinakamahalagang sangkap.