Skip to main content

JaDine bumili lang ng computer games, hindi nag-date

February 14, 2015

BUMILI ng computer games ang magka-love team na sina James Reid at Nadine Lustre noong Valentine’s Day at namasyal sa isang mall sa Makati.

Nagplano naman daw silang mag-dinner pero punuan ang mga restaurant na gusto nilang kainan kaya umuwi na lang sila.

Pero hindi ikino-consider ni James na date ang ginawa nila noong araw ng mga puso.

“I don’t think you can count buying games as a date,” pahayag ng young actor sa ginanap na press conference para sa pagtatapos ng matagumpay nilang serye na On The Wings of Love.

Kamakailan din ay nag-renew sila ng contract sa ABS-CBN at inihahanda na ang susunod nilang serye.

Pero bago ‘yun ay magkakaroon muna sila ng world tour.

Tungkol naman sa kanilang magiging concert, hindi sila makapaniwala na matutuloy na talaga iyon.

“It’s really surreal, it’s like a dream. I can’t imagine ever reaching at this level, a sold-out concert sa Araneta,” sabi ni James.

“Same, parang feeling ko po, nananaginip ako, ang bilis din po kasi ng lahat ng nangyayari, so, hindi pa rin nagsi-sink in lahat,” sabi naman ni Nadine.

EDITOR’S TAKE:

Anuman ang estado nila sa ngayon—dating or not—ang mahalaga ay maganda ang takbo ng kanilang love team at career.