Skip to main content

Jane Oineza at Jeron Teng nauwi na lang sa friendship ang ligawan

February 16, 2016

MEDYO matagal-tagal na ring nauugnay si Jane Oineza kay Jeron Teng. Napabalitang nililigawan ng basketbolista ang aktres pero hanggang ngayon ay hindi pa sila opisyal na magkarelasyon.

“Hindi, friends kami ngayon. Okey naman kami, busy din kasi siya, busy din ako. Gusto nga muna naming mag-focus sa careers namin. Saka finals (sa UAAP), last year na yata niya or last two years. I’m not sure,” kuwento ni Jane.

Matatandaang nagpahayag ang basketbolista ng kanyang paghanga sa aktres kaya mula noon ay naging magkaibigan na sina Jane at Jeron. Madalas na nakikitang nanonood ng mga laro ng binata ang dalaga kaya may mga nagsasabing malaki talaga ang tsansa na maging magkasintahan ang dalawa.

“Lagi rin akong nagsu-support sa games niya and all. Friends lang kami, walang maybe. Sure na we’re friends,” giit pa ng dalaga.

EDITOR’S TAKE:

Not meant to be kaya tama si Jane, career muna.