Skip to main content

Kaya ayaw nang makipagbalikan

February 1, 2016

PATAY ang isang 48 anyos na ginang makaraang ito ay barilin ng kanyang live-in partner noong enero 14 sa Brgy. San Francisco, Victoria, Laguna.

Kinilala ang biktima na si Leny Balayong, habang ang suspek naman ay si Efren Lirasan.

Batay sa report ng Victoria Police, nagwala ang lalaki matapos tumanggi ang babae na muling pakisamahan ang suspek na nakipaghiwalay dahil sa sobrang pagkaseloso ng lalaki.

Nagbunot ito ng baril at itinutok sa biktima na sinubukan namang agawin ng huli.

Subalit biglang pumutok ng dalawan­g beses ang baril na tumama sa dibdib ng ginang.

Isinugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.

Tumakas naman ang suspek matapos ang insidente.

EDITOR’S TAKE:

Pinatunayan lang ng suspek na tama ang desisyon ng biktima na huwag nang makipagbalikan dahil sa kanyang pagiging seloso at bayolente.