Skip to main content

Kean tuloy sa paggawa ng music kahit may asawa na

February 9, 2016

KUMPARA noong binata pa siya ay marami na raw natutunan ngayon si Kean Cipriano sa kanyang buhay may asawa. Kamakailan ay pinakasalan ng singer-actor si Chynna Ortaleza.

Pagbabahagi niya sa kanyang estado ngayon, “It’s a dream come true. I have to learn about myself and how I handle things and life is short. That’s what I’ve realized.”

Puring-puri rin niya ang asawang aktres. “She’s good, she’s beautiful as always.”

Happy naman siya sa takbo ng kanyang career ngayon dahil bukod sa pagiging bahagi niya ng teleseryeng Dolce Amore ay magkakaroon na rin ng bagong album ang kanyang bandang Callalily. Papasukin na rin daw ni Kean ang pagdidirek.

“We’ll be launching it sa UP Fair on  February 11. I will also be pursuing my directorial side, short film and music  videos. So tuluy-tuloy pa rin,” masaya niyang pagbabahagi.

EDITOR’S TAKE:

Ang isang lalaki naman ay wala talagang dapat baguhin sa routine ng buhay niya pag nag-asawa na, kailangan lang na magkaroon ng sense of responsibility at umuwi sa misis pagsapit ng gabi.