Skip to main content

Kim Chiu kinilabutan sa mga dantay ni Xian Lim

February 15, 2016

NAG-LEVEL UP na ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim. Hindi na lang kasi basta kilig-kiligan ang gagawin nila sa pagbabalik-tambalan nila sa primetime ng ABS-CBN na The Story of Us kundi meron na silang mga umaatikabong love scene na first time nilang gagawin. Kaya naman pareho silang hindi naging comfortable sa umpisa ng taping nila.

“First time niyang hinawakan ang hita ko, kinikilabutan ako!” pagtatapat ni Kim na natatawa.

“Pero dahil si Direk (Richard Somes) naman ay laging nagsasabi na pagtiwalaan siya, kaya, ‘O, sige, Direk... pero hindi ko po talaga kaya!’ Nakakakilabot, tumatayo na lahat ng balahibo ko, lahat ng buhok sa katawan ko ay tumatayo na,” kuwento ni Kim sa ginanap na general press conference for the serye.

Kasi pati raw strap ng bra niya, hinawakan ng actor na umabot hanggang sa waist.

Pero ayon kay Kim ay hindi naman lumabas na malaswa ang eksena.

Anyway, two years din palang namahinga si Xian sa primetime series at dumating siya sa point na nagtatanong na siya sa kanyang handler kung wala bang offer. Nakaramdam din siya ng disappointments.

At siguro naman ay pursigido na siya ngayon sa kanyang career.

EDITOR’S TAKE:

Angkop na sa edad nila ang medyo matured na roles at kuwento. Sana lang ay may market pa rin ang love team nila dahil nga matagal din silang natengga.