Skip to main content

Laging nasa huli ang pagsisisi

January 28, 2016

NAARESTO ng mga pulis ang isang lalaki na sinasabing nasa likod ng pagpatay sa kanyang misis at biyenan.

Nahuli si Rommel Layug sa Metropolitan Medical Center sa Sta. Cruz, Maynila, kung saan siya ginagamot matapos uminom ng lason nang magtangkang magpakamatay.

Si Layug ang pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang misis na si Gloria, 29, at biyenang babae na si Norma Camposano, 68 sa kanilang bahay sa Agatha Subdivision. Si Gloria ay nagbabakasyon lamang mula sa pagtatrabaho sa Japan.

Dinala si Layug sa ospital ng room boy ng hotel kung saan nag-check-in ang suspek.

Tinangkang magpakamatay ni Layug matapos uminom ng muriatic acid, ayon kay Malolos chief of police Supt. Arwin Tadeo.

Pormal na kinasuhan ni Malolos deputy city prosecutor Rommel de Leon si Layug ng parricide at murder habang nasa ospital.

Ayon sa pulisya, pinalayas si Layug ni Gloria mula sa kanilang bahay matapos nilang mag-away. Dumating si Gloria sa bansa noong Enero 22 at nakatakda sanang bumalik sa Japan nang araw na siya ay patayin.

EDITOR’S TAKE:

Bakit nagtangkang mag-suicide ng suspek? Dahil na-realize niyang mali ang nagawa niyang krimen at wala na siyang naiisip na paraan kundi ang wakasan na rin ang sariling buhay. Laging nasa huli ang pagsisisi.