Skip to main content

Lovers na, partners in crime pa

February 11, 2016

ARESTADO ang magkasintahan makaraang maaktuhan ng pulisya habang ibinebenta ang traysikel na kanilang sinikwat sa halagang P5,000 lamang sa Barangay Pacac, bayan ng Allacapan, Cagayan noong Pebrero 6.

Pormal na kinasuhan ni P/Senior Insp. Antonio Palattao, hepe ng Allacapan PNP ang mga suspek na sina Angelo Jacinto, 21; at Erica Rose Perez, 19, mga nakatira sa Tuguegarao City, Cagayan. 


Lumalabas sa imbestigasyon na sinita ni Barangay Kagawad Jimson Damo ang mga suspek dahil sa sobrang murang halaga ng paninda nitong trike. Naalarma naman ang magkasintahan kaya tumakas ang mga ito at iniwan ang ibinebentang traysikel. Nadakip naman ang dalawa sa follow-up operation ng pulisya sa bisinidad ng Barangay Gagaddangan.

EDITOR’S TAKE:

Mabuti at ngayon pa lang ay nabuko na ang modus ng dalawang ito dahil kung nagtagal-tagal pa ay baka lalo silang nahasa sa pagiging kriminal. Maraming disenteng trabaho, bakit kailangang magnakaw?