Skip to main content

Lovi Poe nagpapaka-healthy habang walang love life

February 2, 2016

KINUMUSTA ng movie press si Lovi Poe tungkol kay Rocco Nacino after ng break up nila (o kung break na ba talaga sila).

Okey naman daw siya at nagpapaka-healthy.

Pero kahit sinasabing nag-split na sila, pumupunta pa rin siya sa gym na pag-aari ng actor. ‘Yun nga lang, obvious na hindi na sila magkasabay sa pag-eensayo.

Happy naman daw siya ngayon, busy sa dalawang branch ng bar/resto nila ng kanyang business partners na Cable Car.

May ginagawa siyang movie, Lakambini, pero matagal-tagal na ring natigil ang kanilang shooting.

Ayon pa kay Lovi ay tutulong siya kung sakali sa kampanya ng kanyang kapatid na si Sen. Grace Poe.

EDITOR’S TAKE:

Good point. Kaysa magmukmok at magpaka-emotional sa kawalan ng love live, asikasuhin ang career at kalusugan.