Skip to main content

Mag-pen-pal nagkita after 8 years, friendship nauwi sa romansa

ISANG online love story ang naging paborito kamakailan ng netizens. Tungkol ito kung paano nagsimula ang romansa nina Heather Pucheu, isang property clerk, 31, at ni Fabrice Pucheu, isang artist, 34, ng Spokane, Washington.

Kuwento ni Heather, sa kanilang high school French class ay may “pen-pal requirement”. Ang mga matchups daw ay completely random. Ang idea rito ay para mahasa sila sa pagsulat sa French language. Si Fabrice ang napatapat sa kanya na maging pen-pal.

Nang magsimula silang magpalitan ng snail mail, madalas niyang ikuwento sa binata ang tungkol sa kanilang school. Nagkukuwento naman ang French guy ng tungkol sa buhay nito bilang isang landscape artist sa Léon, France.

Sa loob ng walong taon ay nagbahagi sila ng kani-kanilang buhay sa pamamagitan ng koreo. Naging matapat sila sa isa’t isa, at nagsasabihan ng mga sikreto kahit hindi pa sila nagkikita. Bawat liham ay naglalapit sa kanila. Gayunpaman ay wala raw ibang ine-expect si Heather mula kay Fabrice maliban sa friendship.

Sa panahon ng kanilang pagsusulatan ni Fabrice ay nagkaroon ng boyfriend si Heather, nagpakasal at nag-divorce. Matapos iyon ay nagkaroon pa siya ng ibang karelasyon—pero hindi niya pinuputol ang pakikipag-pen-pal kay Fabrice.

Hanggang sa maganap ang 9/11 tragedy. Noon naisip ni Heather kung gaano kaikli ang buhay ng tao at puwedeng mawala sa loob lang ng isang saglit.

Lalo silang naging close ni Fabrice dahil sa 9/11 tragedy—bagaman at hindi niya masabi kung ang friendship nila ay nauuwi na sa pag-iibigan.

Nang dalawin siya ni Fabrice noong September 2002 ay sinundo niya ito sa airport. Na-love at first sight siya rito.

Ani Heather, “I know it sounds weird, but you never think it will happen until it happens to you. I just knew I was going to marry him. I was so happy to finally meet the person I had gotten to know so well as a friend. We had all of that groundwork laid already.”

Naging mabilis ang pagpapalit nila ng status mula sa friendship patungong romance.

“I spoke a little French, and Fabrice spoke some English. We went on long walks and started this wonderful new chapter in our lives,” pagbabahagi pa ni Heather.

Para naman kay Fabrice, nagsusulatan pa lang sila ni Heather ay alam na niyang ito ang “the one”.

“It was wonderful finally meeting Heather after knowing her long distance for so long. After I got my visa and put all the paperwork behind me, she and I settled in Spokane together.

“I am still painting landscapes. When people tell me my artwork is beautiful, I do not question why. I know the reason: My wife inspires me.”

Ayon kay Heather ay si Fabrice ang nagluluto ng kanilang mga pagkain. Mula nang ikasal siya ay hindi na siya pinagluto nito. Paborito niya ang mga pies nito at paella.

Kinikilig pang sambit ni Heather, “To this day, I still have all of Fabrice's letters!”

EDITOR’S TAKE:

Gusto nating isipin na meant for each other sina Heather at Fabrice. Sa dalawa ay si Heather ang active ang karakter at mukhang passive lang si Fabrice. Pero ang pinakamagandang ginawa ni Heather ay hindi siya nagsawang makipagsulatan sa isang inakala niyang hanggang friendship lang ang kanilang aabutin.

Nakatulong din para ma-develop ang damdamin nila kahit magkalayo ang pagiging tapat nila sa isa’t isa sa kanilang komunikasyon. Kumbaga, walang itinago kaya hindi man pisikal na nagkikita ay nakilala nila ang personalidad ng bawat isa. Kaya nang magkita sila nang personal, naging pormalidad na lang ang pagpapalitan nila ng I love you.

Ang 8 years na pagsusulatan ay matibay na ring pundasyon kaya hanggang ngayon ay may kilig pa rin kay Heather kapag binabalikan sa isip ang nakaraan nila ni Fabrice. At patuloy naman si Fabrice sa pagtuturing kay Heather bilang inspirasyon.