Skip to main content

Maja and Gerald: what went wrong?

NAKA-SILENT MODE pa rin si Maja Salvador sa isyu ng hiwalayan nila ni Gerald Anderson. Kamakailan ay mismong ang aktor ang nagkumpirma na mayroon silang pinagdadaanang problema ng aktres at nagdesisyon silang maghiwalay muna.

Dalawang taon din ang itinagal ng kanilang relasyon.

Bago ang rebelasyon ni Gerald, naiulat ni Boy Abunda sa “Aquino and Abunda Tonight” noong April 14, na “seven weeks or so” nang hiwalay ang magkasintahan.

Sa Instagram account ni Maja ay binati pa niya si Gerald noong magdiwang ito ng kaarawan. Ang caption ng aktres sa kanyang Instagram post noong March 6: “Happiest birthday to the man who owns my heart. I’m proud of you, Pogi. Sa lahat nang nangyari at mangyayari pa sa iyo, patuloy lang akong magiging proud sa ‘yo. #LoveKitaSabiNgPusoKo.”

Sa press conference ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Nathaniel, noong April 14 unang inamin ng 26-year-old actor ang balitang hiwalay na sila ni Maja.

Pahayag ni Gerald, “We are taking a break muna sa relationship namin. But okay kami. We're on very good terms at nag-uusap kami. We're doing this together and we're taking this step by step together.”

Kasunod nito ay nagpasalamat si Gerald sa mga sumusuporta sa relasyon nila ni Maja.

Kung di man nagsasalita sa isyu si Maja, tila nagpapahiwatig naman ang Kapamilya actress ng kanyang saloobin sa kanyang IG posts. Weeks ago ay nag-post siya ng close-up shot ng kanyang suot na kuwintas na may pendant na susi na may korteng puso. Mayroon itong simpleng caption na tila nagsasabing sarado ang puso niya ngayon.

Nag-post din siya ng screen grab ng inspirational song ni Celine Dion na “That’s The Way It Is” na kasama umano sa bago nilang playlist ng matalik niyang kaibigan na si Cacai Bautista.

Magkahiwalay rin silang nagbakasyon noong nakaraang Holy Week.

Maging ang kaibigan ni Maja na si Cacai ay may Instagram posts kasama si Maja na nagpapahiwatig na may pinagdadaanan nga ang huli.

Nananatili namang positibo ang disposisyon ni Maja na  tutok sa trabaho ngayon. Bukod sa teleseryeng Bridges of Love, panay rin ang post ni Maja ng kanyang bagong single na may pamagat na "Bakit Ganito Ang Pag-ibig."

Si Gerald naman ay abala sa bago nitong primetime teleserye sa Kapamilya network, ang Nathaniel.

EDITOR’S TAKE:

Usually ay iisa ang dahilan kapag ang dalawang artistang magkarelasyon na parehong may career ay naghiwalay—career move.