Skip to main content

Matulis na lolo naaktuhang nakapatong sa misis ng kaibigan

MAY 5, 2015

NAUWI sa karahasan ang friendship ng dalawang lalaki nang matuklasan ng isa ang relasyon nito sa kanyang misis.

Pinagtataga hanggang sa mapatay ang 63 anyos na lolo makaraang maaktuhan na nakikipagtalik sa asawa ng kanyang kaibigan at kapitbahay  sa Brgy. Malungon, Makilala, North Cotabato.

Sa ulat ng Makilala PNP noong Mayo 4, 2015, na-caught in the act ng 37 anyos na mister na si Genesis Tapik na nakapatong sa kanyang misis (hindi na binanggit ang pangalan) ang biktimang si Quinticon Eskolar nang madatnan niya ang dalawa sa kanilang bahay noong Mayo 4 ng hapon.

Agad namang sumuko si Tapik sa pulisya at kasalukuyang nakakulong matapos ang karahasan.

Sinabi ni Talik na una siyang tinangkang tagain ni Eskolar pero hindi tumama. Nakabuwelo umano siya at gumanti rin ng taga kaya niya ito napatay.

Ayon sa pulisya, mga tapper ng gomahan ang dalawa sa nabanggit na barangay at magkaibigan bago natuklasan ni Talik ang affair ni Eskolar sa kanyang misis.

EDITOR’S TAKE:

Nagagalit tayo sa mga kalalakihan na mahilig mangaliwa kaya nasisira ang isang marriage, pero dapat ding alalahanin na may obligasyon ang isang babae na ingatan ang dangal ng kanyang mister o karelasyon.