Skip to main content

My Pretty Photobomber (Part 13)

Nobela ni KC CORDERO

(Ika-13 labas)

BINIRO ni Tita Nora si Lorde na baka maging kapalit na rin sni Martin si Storm dahil nagbigay ito ng tuta. Kunwari ay hindi narinig ng dalaga ang sinabi ng tiyahin pero alam niya na namula ang mga pisngi niya. Hindi niya napigilan ang mag-blush sa biro nito.

Nagulat pa si Lorde nang pisilin ni Tita Nora ang kanyang pisngi.

“Namumula ang pamangkin ko, ah!” tudyo nito sa kanya. “Mukhang umiibig na naman.”

Kunwari pa rin ay hindi siya apektado. “Ayaw ko muna ng love life, Tita. Gusto kong yumaman muna.”

“Sabagay,” sang-ayon nito. “Mas mainam nga ‘yan.” At iniwan na siya ng tiyahin.

Sinilip niya ang tiyan ng nahihimbing na tuta. Nakita niya ang sex organ nito. Isa rin itong male na parang si Sam. Ayaw niya kasi ng babaing aso dahil pag nag-heat ay dinarayo ng napakaraming male dogs. Hinaplos niya ang ulo nito bago nagpunta sa kanyang kuwarto at nag-browse sa kanyang iPad. Nag-research siya ng tungkol sa Bichon Frisé.

Ayon sa nabasa niya sa net: “A cheerful, happy dog, the Bichon Frisé is small and sturdy with a dark-eyed inquisitive expression and a plumed tail it carries merrily over the back. The breed is often compared to a cotton ball due to its curled double coat, which consists of a textured outer coat and a silky undercoat. The coat must be white, but may have shadings of buff, cream or apricot around the ears or on the body.

“The Bichon Frisé appeared in the 13th century as a descendent from the Water Spaniel. Traded by Spanish sailors and transported from continent to continent, the breed eventually became a favorite of those in the 16th century French royal courts. The breed was also favored by the painters of the Spanish school, who often included them in their works. Although the breed's colorful past includes use as a circus dog, today the Bichon Frisé is enjoyed primarily as a companion animal.

“The Bichon Frisé is a naturally gentle, playful dog. It loves activity and requires regular exercise. Its hair grows continually and does not shed, so extensive grooming is a must to prevent mats. Bichons Frisé also tends to be a good breed for allergy sufferers.”

Natuwa si Lorde sa nabasa. Ngayon pa lang, alam niyang mae-enjoy niya ang bagong pet.

Nag-search naman siya sa online stores kung magkano ang presyo ng Bichon Frisé puppy. Nang makita niya, napahawak siya sa bibig sa pagkabigla.

Napakamahal pala! Pag talagang pure breed at may legal papers ay umaabot sa mahigit forty thousand pesos! Kaya pala ang sabi ni Storm kanina ay katulad iyon ng alaga ni Kris Aquino. Siyempre, hindi naman magpe-pet ng cheap ang presidential sister, ‘no?

Napabuga siya sa hangin. Ang big time namang magregalo ni Storm!

Ini-off niya ang gadget at binalikan ang puppy. Gising na ito. Agad nagkawag ng buntot nang makita siya. Nagtataas ng mga paa sa unahan na para bang niyayaya siyang maglaro. Binuhat niya ito at idinikit sa kanyang dibdib. Dinala niya sa salas at hinanap ang mga laruan ni Sam. Nakakita siya ng maliit na bola. Inilapag niya ang tuta. Kinagat-kagat nito ang bola na biglang tumunog. Nagulat ang puppy pero kapagkuwa’y tinahulan nito ang bola at kinagat muli. Natawa siya sa liit ng boses nito.

Nanggigigil na binuhat niya ito at idinikit sa kanyang mukha. “Ang cute mo! Ang cute mo talaga!”

Hinimod naman siya nito sa pisngi.

Ilang sandali pa silang nagkulitan ng puppy hanggang sa antukin siya. Nakatulog din ang puppy sa may tiyan niya. Kung pagbabatayan ang eksena, close agad sila bilang mag-amo.

                                                            **

ANG taas-taas ng adrenaline rush ni Storm. Pagkagaling niya kina Lorde ay nag-general cleaning siya ng bahay. Matagal na niyang planong gawin iyon pero ngayon lang siya talaga nagkaroon ng time. Isa pa ay sobrang gaan ng pakiramdam niya.

Mula nang makausap niya ang dalaga kanina at naging masaya ito sa tuta na bigay niya, tila ba nakainom siya ng isang litrong energy drink sa sobrang sigla. ‘Yun nga lang, nalungkot din siya nang malamang in a relationship na ito.

But what the heck, anang isip niya. BF pa lang naman, marami pang puwedeng mangyari.

Tapos na siyang maglinis nang may dumating na text message.

Si Aria...

Ewan pero wala na siyang excitement nang basahin ang message nito. Dati-rati ay tila may mga kabayong naghahabulan sa dibdib niya sa tuwa basta may message ito kahit mang-aabala lang. Tulad ngayon...

Aria: Pick me up tonight, 8 PM. May gimik kami ng barkada. Ihatid mo ako, ha? Super thanks. Mwah!

May smileys ang dulo ng mensahe. Wala sa loob na nag-reply lang siya ng OK. Nag-send ito sa kanya ng thumb’s up sticker. Naiiling na inilapag niya ang cellphone sa mesa.

Napahinga siya nang malalim habang nakatingin sa kanyang smartphone. Magpapauto pa ba siya kay Aria?

Bahala na, anang isip niya.

Dahil pinawisan na rin lang siya ay itinuloy na niya iyon sa workout. Tumakbo siya sa treadmill. Nang makumpleto ang bilang ng calories na kailangan niyang mabawas ay nagbuhat naman siya ng dumb bells. Nag-i-stretching na siya nang may mag-doorbell mula sa gate.

Sumilip siya sa bintana.

Halos lumukso mula sa kanyang dibdib ang kanyang puso nang makitang si Lorde ang nag-doorbell! Agad siyang lumabas.

“H-hi!” nanginginig na bati niya sa dalaga.

Nakapagpalit na ng suot si Lorde. Naka-T-shirt ito ng kulay yellow na may cartoon character na pambabae, plain red shorts na hindi na masyadong maikli pero kita pa rin ang sexy legs. Nakalugay ang buhok nito na medyo basa pa. Nalalanghap ni Storm ang birheng amoy ng dalaga na pinatingkad ng bango ng shampoo at sabon. Mukhang hindi na ito nag-cologne man lang pero napakabango pa rin. Dala nito ang cute na tuta.

Casual ang dalaga nang magsalita. “Gusto ko siyang dalhin sa veterinarian. Naitanong mo ba sa binilhan mo nito kung may shots na ito?”

Biglang may naalala si Storm. “May mga ibinigay nga pala siyang documents. Halika, dito tayo sa loob,” yaya niya kay Lorde.

“Ayoko...”

Nagtaka si Storm. “Bakit?”

“Baka reypin mo ako.”

Napahalakhak ang binata. “Hindi ko gagawin ‘yan, ano?”

“Basta... ayoko,” tanggi muli ni Lorde.

“I have mini cakes. Ipagtitimpla uli kita ng masarap na coffee,” pamimilit ni Storm.

Nang marinig ang mga salitang “mini cakes” ay namilog ang mga mata ni Lorde.

“Hindi mo ako rereypin, ha?”

 

SUBAYBAYAN!