Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Nagkapalit... Nagkatagpong Mga Puso (Part 21)

Nobela ni SEL BARLAM

(Ika-21 labas)

WALA nang nagawa si Betty sa beach wedding na ipinaareglo ni Evan. Naging apurahan ang lahat. Pero dahil ang beach decorating ideas ay nagmumula lamang kahit saan—ang beach, ang tubig at ang langit na nagbibigay ng neutral na background na nakahihiling pagmasdan sa alinmang color combination na pinili ng magsing-irog, ang lahat ay elegance beyond belief at naghatid ng kakaibang karamasan sa mga panauhin.

            Maging ang seashells na sa paligid lamang ng dalampasigan nakuha ay nakatulong nang malaki sa decorating process at nagdala rin ng galak sa perfect theme ng beach. 

            Ang beach wedding dress ni Betty na perpekto para sa ‘barefoot walk down the beach’ ang lalong nagpatingkad sa ‘casual feel’ na nararamdaman ng bawat isang babaing naroroon. Featured ito in great chiffon, may winsome V-neckline na may ‘wrap style accents ruffles’ na naka-extend hanggang likod. Ang natural waist ay nadedekorasyunan naman ng bulaklak na may mga detalye sa isang bahagi.

            Si Evan ay nasa kanyang Cuba style na simple, loose white button-down shirt na tinernuhan ng bughaw na pantalon na imitasyon ng kulay ng langit at dagat at lalo pang nagdagdag sa kakisigan ng guwapong binata.

            Eksakto namang pagkatapos ng pagpapalitan ng wedding vows ng bagong mag-asawa ay bumagsak ang malakas na ulan. Ngunit imbes na madismaya ay natuwa pa ang dalawa at lalo pang sinalubong ang malalaking patak ng ulan.

            “Hey, this is a good luck!” tuwang-tuwang sabi ni Evan saka lalo pang hinila ang masayang-masaya ring si Betty sa gitna ng ulan.

Maging ang kanilang mga panauhin ay nagsimula na ring magsipagsayaw sa ulanan.

“And great photo ideas on how to make the best of rain, di ba?” nakangiting wika ni Betty, sabay nag-pose nang makitang nakatutok sa kanila ang camera ng kanilang wedding photographer.

At magkahawak-kamay na nagsayaw sina Evan at Betty sa ulan—na kapwa ang mga nararamdaman ay inexplicably beautiful nang mga sandaling iyon.

 

TO BE CONCLUDED...