Skip to main content

Nakipag-sex sa ibang guy ang GF niya habang nasa Boracay

July 1, 2015

ISANG taon na ang nakalilipas nang magbakasyon sa Boracay si Edith. Ayaw sana itong payagan ni Randy noon pero naging mapilit ang una. Noon lang daw kasi ito makararating sa nasabing sikat na isla. Hindi nakasama si Randy dahil busy siya sa trabaho.

Noong time na iyon ayon kay Randy ay nagde-date na sila ni Edith pero hindi pa sila officially on. Nagkasundo sila na pagbalik ni Edith from Boracay ay gagawin na nilang official ang kanilang status.

Nang maging offially on na sila ay nakaaway ni Edith ang best friend na si Elena. Nagtsismis naman si Elena kay Randy na noong nasa Boracay sila ay nakipag-sex sa ibang lalaki ang kanyang GF. At ilang beses daw iyon.

Itinanong niya iyon kay Edith pero sabi nito ay sinisiraan lang ito ni Elena. Mas pinaniwalaan ni Randy ang GF.

Minsan na binuksan ni Randy ang Facebook ni Edith dahil alam niya ang password nito ay may nag-message rito na isang “boracay2014”. Na-curious siya at nagpanggap na si Edith. Nag-chat sila. Natuklasan niya na ito ang lalaking naka-sex ni Edith!

Kinompronta ni Randy si Edith. Pakiramdam niya ay sobra-sobra ang ginawa sa kanyang panloloko nito. Buntis ngayon si Edith at sigurado naman si Randy na siya ang ama ng bata.

Tuloy pa rin daw sa pagtanggi si Edith kahit pa mayroon na siyang patunay na nakipag-sex ito sa ibang lalaki.

Hindi malaman ngayon ni Randy ang gagawin dahil habang patuloy sa pagtanggi si Edith ay lalo siyang nawawalan ng tiwala rito. Nawawalan na rin siya ng pagmamahal sa GF. Pakiramdam daw niya ay nawasak ang kanyang mundo.

EDITOR’S TAKE:

Takot si Edith na umamin dahil alam nitong iiwan na ito ni Randy.

Posibleng nakipag-sex ito at naakit sa lalaking nakilala sa Boracay dahil hindi pa sila officially on ni Randy.

Nasaktan ang pride ni Randy. Pero tanong lang, matatanggap pa ba niya si Edith kung nagtapat agad ito sa kanya noon?

Tiyak na masasaktan din si Randy kahit nagtapat agad si Edith, at hindi na niya ipu-pursue na magkaroon sila ng relasyon.

Ngayong magkaka-baby na sila, itatapon na ba ni Randy ang relasyon kay Edith? Gagawa ba siya ng mabigat na desisyon dahil sa ginawa ng GF?

Dapat pag-isipang mabuti ni Randy ang lahat nang ito—at ang mga consequence ng kanyang magiging desisyon.