Skip to main content

Nasaan ka, Halina? (Part 10)

Nobela ni BOBBY VILLAGRACIA

(Ika-10 labas)

SINABI ko kay Halina na huwag siyang mag-alala kung magdamag man kaming magtalik dahil sanay akong maagang gumising. Ako ‘kako ang bahalang gumising sa kanya para hindi siya ma-late sa trabaho.

“Baka naman para kang mantika kapag natulog,” natatawa niyang wika. “Kung hindi yugyugin o initin ay hindi pa magigising.”

“Hindi,” sagot ko. “Nasanay akong gumising nang maaga dahil nagsusulat ako bago pumasok sa trabaho. Isa pa, nakasanayan ko na ang ganitong buhay simula pa nang magtrabaho ako sa gobyerno.”

“Totoo?” nagulat na tanong niya sa akin.

“Oo naman.”

“Pero iba ang ginawa mo ngayon,” sagot niyang naglalaro ang pilyang ngiti sa labi. “Kaya tiyak ko, pagod na pagod ka at hindi agad magigising nang maaga.”

“Matagal ko nang pinaghandaan ang mangyayaring ito sa atin,” sagot ko naman. “Simula pa lang noong una tayong magkita.”

“Ikaw talaga, puro kalokohan,” natatawa niyang sagot na lihim na nagbigay sa akin ng kasiyahan dahil sa pananaw kong payag siya sa aking sinabi.

At hindi ako nagkamali dahil kusa niyang ibinuka ang labi nang dahan-dahan kong ilapit ang aking nilaglagnat na labi dahil sa malaking pananabik at kakaibang pagkauhaw. At minsan pa, naghinang ang aming labi bilang paghahanda sa muli naming pag-uulayaw sa pinakatampok na bahagi ng pagniniig namin, sa pinakatampok din na ritwal ng pag-ibig.

Hindi na rin siya tumutol nang muli kong paghiwalayin ang kanyang makikinis, mapuputi at mahahabang legs upang muling angkinin ang kanyang katakam-takam na paraiso. Paraisong  bukal ng hindi mapapantayang ligaya, sarap at kiliting halos bumaliw sa akin tuwing makakarating ako sa sukdulan ng kamunduhan. Ligayang hindi ko pagsasawaan kahit gabi-gabi, kahit araw-araw...

At tulad nang dati, nanulas sa bibig ni Halina na bahagyang nakabuka ang mahinang ungol at halinghing, palatandaang handa na niyang muling tanggapin ang panauhing minsan na niyang tinanggap. Kasunod ng kaganapang ito, nagmistula akong hineteng nakikipagkarera na hindi matatanggap ang pagkatalo sa laban. At tulad ng una naming pagtatalik, damang-dama namin ang hindi mapapantayang kaligayahan. Minsan pa, idinilig kong lahat ang katas ng aking pagmamahal sa kaloob-looban ng kanyang sinapupunan sa layuning makapagpunla ng panibagong buhay.

Nakatulog kami ni Halina na maligayang-maligaya at said ang ningas ng kamunduhan sa katawan sa unang gabi namin sa kuwartong nirentahan upang pansamantalang maging tirahan. At tulad nang dati, nagising akong kasabay ng unang pagtilaok ng manok sa madaling-araw.

Tulad nang sabi ko, hindi ito nakakapagtaka dahil mahigit sampung taon nang umiikot ang aking buhay sa ganitong kaganapan dahil sa pagtratrabaho ko sa gobyerno at pagsusulat. Sumilay sa aking labi ang matamis na ngiti nang makitang tulog na tulog pa siya na nakalatag sa kama ang kagandahan at kaseksihang paulit-ulit kong naangkin noong gabing nagdaan.

Kailangang mabuntis ko siya, wika ko sa sarili habang pinagmamasdan ang natatangi niyang alindog at kariktan. Baka magbago pa ang kanyang isip kapag nakapasa na sa pagsusulit at tumaas ang puwesto sa trabaho.

Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit nakadama ako ng takot at pangamba sa pag-ibig ni Halina na hindi ko nadama sa mga babaing una kong nakarelasyon. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili dahil lumalabas pang ako ang naghahabol gayung may nangyari na sa amin na pabor sa tulad kong lalaki. Sabi ko nga sa sarili, nabaligtad na yata ang aking mundo o talagang mahal na mahal ko lamang siya. 

Ayaw ko siyang mawala o mawaglit kahit saglit tulad ng isang napakahalagang bagay. Nasabi ko ito dahil tiyak na kukutyain ako kapag may nakaalam na nangangamba akong hiwalayan ng babae gayung nagli-live in na kami. Noong panahong ‘yon ay hindi pa talamak ang mga babaing nakikipag-live in dahil marami pa ang nagpapahalaga sa puri at dangal, gayundin sa seremonya ng kasal.

Ngayon, hindi na yata uso ang ganito. Sabi ko nga, napakasuwerte ng mga lalaki ngayon dahil puwede na silang mag-sex nang mag-sex ng kanilang syota na hindi pinag-uusapan ang pagkawala ng virginity ng babae. Tingin ko nga ay hindi na rin kinatatakutan ng mga babae ang pagkikipagtalik dahil may kaalaman na sila upang hindi mabuntis.

Sa panahon ngayon, marami nang pagkukunan ng kaalaman ang isang babae upang hindi mabuntis kahit paulit-ulit makipagtalik sa karelasyon. Kaya hindi na rin nakakapagtakang maraming babae ang ikinakasal nang buntis na dahil sa malawakang pre-marital sex na nagaganap na karaniwang sinasadya ng magkarelasyon.

“Napasarap yata ang tulog ko,” wika ni Halina na sinulyapan ang relo kong pambisig na laging nakasuot araw man o gabi. Nakasanayan ko na ang ganitong bagay simula nang magkaroon ako ng unang orasang pambisig.

“Huwag kang mag-alaala, handa na ang almusal mo,” mabilis kong sagot. “Hindi ba at sinabi kong ako ang bahala sa ‘yo?” nakangiti kong sambit sa kanya.

“Totoo nga palang maaga kang gumising sa umaga,” wika niya habang inaayos ang sarili sa harap ng salaming nasa tokador.

“Sabi ko naman sa ‘yo, lahat nang sasabihin ko sa ‘yo ay totoo,” sagot kong pabiro ngunit seryoso.

“Sana…” sagot naman niyang tila hindi naniniwala o kumbinsido sa aking mga sinabi. “Ganyan naman kayong mga lalaki kapag hindi pa nagsasawa sa babae at hindi pa nakukuha ang gusto, puro kasinungalingan pa ang sinasabi,”

“Hinding-hindi ‘yon mangyayari,” sagot ko. “Sabi ko naman sa iyo, ituturing kitang reyna at paglilingkuran habang ako’y nabubuhay,” 

“Sige na nga para matigil na ang ating usapan,” wika ni Halina na sandaling nagpunta sa lababo upang magmumog at maghilamos ng mukha.

Isang tasang kape na aking tinimpla ang kanyang nilantakan sa pagbabalik upang mainitan ang sikmura bago maligo. Nakagawian na raw niyang mainitan ang sikmura bago maligo upang huwag malamigan.

Pagkatapos makapagbihis ng damit pampasok sa trabaho ay saka lamang siya kakain. Isang masaganang almusal naman ang pinagsaluhan namin upang magbalik ang nawalang lakas dahil sa maigting at naglalagablab na pagtatalik na pinagsaluhan namin sa nagdaang gabi.

Sa kanyang pagpasok sa trabaho, muli kong ipinagpatuloy ang pag-iisip para sa mga susulating kuwento sa komiks. Matapos makabuo ng buod ay sinimulan ko na ang pagbalangkas sa draft upang higit na mapaganda kapag isinulat sa pamamagitan ng makinilya. Noong panahong ‘yon, makinilya pa ang ginagamit ng maraming manunulat dahil hindi pa laganap ang paggamit ng computer.

Sa totoo lang, hindi ko alam na ang computer ang papalit sa makinilyang ginamit ko simula nang magsulat ako sa komiks sa huling bahagi ng taong 1983.

 

TATAPUSIN