Skip to main content

Nasaan ka, Halina? (Part 9)

Nobela ni BOBBY VILLAGRACIA

(Ika-9 na labas)

PINAGALA ko ang aking kamay sa kanyang malambot at seksing katawan upang damahin ang kabuuan niya bilang bahae. Wala siyang pagtutol, lubos at ganap siyang nagpaubaya sa aking kapusukang angkinin ang kanyang buong katawan na kaytagal kong pinangarap magkaroon ng katuparan.

Hindi na ako nagdalawang isip na hubarin ang manipis niyang kasuotang laan sa pagtulog, dahilan upang malantad sa aking paningin ang katakam-takam niyang alindog at kariktan.

Muli, buong kasabikan kong hinalikan ang kanyang pisngi, labi, leeg at dibdib na nagbigay rin sa kanya ng lubos na kaligayahan, dahilan upang siya’y ganap na magpaubaya.

Hindi rin siya tumutol nang tuluyan kong tanggalin ang dalawang maliit na piraso ng damit na tumatakip sa maselang bahagi ng kanyang katawan bilang babae. Kahit konting liwanag lamang ang tumatanglaw sa kabuuan ng silid mula sa nakasarang bintanang salamin, kitang-kita ko ang kanyang kabuuan bilang isang katakam-takam na Eba.

Langhap na langhap ko rin ang natatangi niyang halimuyak na lalong nagpalagablab at nagpaigting sa kakaibang init na lumulukob sa buo kong katawan.

At minsan pa, buong kasabikan kong pinagmasdan ang katakam-takam na hubog ng katawan ni Halina na nakalatag sa kama na nakatakdang paulit-ulit kong angkinin sa buong magdamag. 

Nananatili naman siyang nakahiga sa kama na tiyak kong tanggap na at hinihintay ang kaganapan ng ritwal ng pag-ibig na pagsasaluhan namin sa magdamag sa nirentahan naming kuwarto. 

“Gagawin ko na ang dapat maganap sa atin,”  pabulong kong wika na inilapit ang bibig sa tainga ni Halina. “Sa totoo lang, gusto kong sumigaw sa malaking kaligayahan dahil nagkaroon ng katuparan ang pangarap ko na maging akin ka.”

At lihim kay Halina, may nabuo na akong balak sa magaganap na maigting at maalab na pagtatalik sa buong magdamag. Titiyakin kong maididilig sa kaloob-looban ng kanyang sinapupunan ang lahat kong pagmamahal upang magkaroon ng pagkakataong magbunga ang aming pagniniig. Gagawin ko ito upang tiyaking mabubuntis siya sa lalong madaling panahon upang mapilitan siyang pakasal sa akin.

Sabi ko pa sa aking sarili, walang dahilan upang hindi siya mabuntis dahil may patunay na akong hindi ako baog at nasa lahi namin ang pagkakaroon ng maraming anak sa panig man ng ama o panig ng ina. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit nakadama ng takot at pangamba sa aming relasyon gayung pabor sa akin ang nagaganap at nagiging takbo ng pangyayari bilang lalaki.  

Muli, hindi siya nagkaroon ng pagkakataong sagutin ang aking mga sinabi dahil minsan ko pang hinalikan ang kanyang mapupula, maninipis at malambot na labi. At minsan pa, nagbigay sa akin ng hindi mapapantayang ligaya ang halik na kaytagal kong pinangarap maigawad sa kanya.

Muli, paulit-ulit kong sinimsim ang labi niya bilang pagpapahayag ng wagas at dalisay kong pag-ibig. At higit sa lahat, patuloy siyang antigin at pag-alabin sa maigting at naglalagablab na ritwal ng pag-ibig na nakatakda naming pagsaluhan.

At labis ang aking kasiyahan dahil hindi lang siya lubos at ganap na nagpaubaya sa aking kapusukan, gumanti rin siya ng mahigpit na yakap at mainit na halik.

Tulad ng dapat asahan, hindi tumutol si Halina nang dahan-dahan kong paghiwalayin ang kanyang makikinis, mapuputi at mahahabang legs upang bigyan ng daan ang pinakatampok na bahagi ng ritwal ng pag-ibig na aming pagsasaluhan.

Nadagdagan ang umaalipin sa aking makamundong pagnanasa nang masilayan ko ang kanyang paraiso sa tulong ng liwanag na naglalagos sa salaming bintana ng kuwarto. At minsan pa, ginawa ko ang dapat kong gawin upang lubos at ganap siyang maihanda sa pinakatampok na bahagi ng pagtatalik ng lalaki at babae. 

Hindi naman ako nabigo, lubos at ganap na kasiyahan ang kanyang naramdaman nang magsimula ang ritwal ng pag-ibig na aming pagsasaluhan. Nang mga sandaling ‘yon, wala na akong mahihiling kung hindi paulit-ulit na marating ang langit sa kanyang piling kasabay ng kahilingang wala na sanang wakas ang aming pagmamahalan. 

“Mahal na mahal kita, Halina,” pabulong kong wika habang mabilis at walang patumanggang inaangkin ang kanyang nakabuyangyang na paraiso.

At tulad ng aking lihim na balak, idinilig kong lahat sa sinapupunan ni Halina ang lahat kong pagmamahal sa sabay naming pagsapit sa rurok ng kaluwalhatian.

Sinunod ko ang dikta ng aking isipan sa layuning tuluyang maging pag-aari hindi lamang ang katawan kung hindi pati na ang kanyang puso at kaluluwa. Hinayaan niyang pumulandit sa kanyang kaloob-looban ang aking pagmamahal, na kapag sinuwerte, pagmumulan ng bagong buhay na pipintig sa kanyang sinapupunan.

Lihim ang ang aking kasiyahan dahil hindi siya nagpahayag ng pagtutol sa aking ginawa at nagreklamong baka siya mabuntis. Sa aking karanasan, ito ang madalas na reklamo ng mga babae matapos ang bugso ng makamundong pagnanasang paulit-ulit na nagbigay sa kanila ng walang kapantay na kaligayahan kahit bawal.

Matapos ang unang yugto ng pagtatalik namin ni Halina, mahigpit kaming nagyakap. Nanatili naman akong nakatingin sa kawalan dahil hindi ko pa rin mapaniwalaang akin na ang babaing pangarap kong makasama at mahalin sa buong buhay.

Ngunit tiyak ko, katotohanan ang lahat, hindi panaginip o pantasya dahil yakap ko siya, damang-dama ang kakaibang init ng katawang katatapos ko lang angkinin at diligin ng pagmamahal.  

“Baka hindi ako magising nang maaga,” sagot ni Halina nang bulungan kong muli kaming magtampisaw sa makamundong kaligayahan.

“Ako ang bahala, ihahanda ko ang mga kailangan mo. Hindi mo na kailangang gumising nang maaga,” masuyo at malambing kong wika habang padampi-damping hinahalikan ang kanyang punong tainga.

“Baka naman para kang mantika kapag natulog,” natatawa niyang wika. “Kung hindi yugyugin ay hindi magigising.”

“Hindi,” sagot ko. “Nasanay akong gumising nang maaga dahil nagsusulat ako bago pumasok sa trabaho. Isa pa, nakasanayan ko na ang ganitong buhay simula pa nang magtrabaho ako sa gobyerno.”

“Totoo?”

“Oo naman…”

“Pero iba ang ginawa mo ngayon,” sagot niyang naglalaro ang pilyang ngiti sa labi. “Kaya tiyak ko, pagod na pagod ka at hindi agad magigising nang maaga.”

 

ITUTULOY