Skip to main content

P-Noy at Pia hindi pa masabi kung magiging sila na nga

PATULOY ang pag-uugnay kina 2015 Binibining Pilipinas-Universe Pia Wurtzbach at Pangulong Noynoy Aquino. Matapos makoronahan si Pia at magkita sila sa isang event ay naging hot item na ang dalawa. Maging ang presidential sister na si Kris Aquino ay nagbulgar kamakailan na sinabihan siya ng kanyang kuya na maging mabait kay Pia.

Sa pinakahuling panayam ay hindi naman direktang masabi ni Pia kung nagde-date na sila ng Pangulo.

Gayunpaman ay sinabi ng actress-beauty queen na nakakausap niya ang Pangulo pero sobrang busy daw ito.

Ayon pa kay Pia, pangunahing prayoridad ni Pangulong Aquino ang pagmamahal nito sa bansa.

Hindi rin daw sila lumalabas ni Pangulong Aquino dahil kapwa sila abala, at naiintindihan naman ng beauty queen na may mga prayoridad ang Chief Executive.

Pero kung mabigyan daw ng pagkakataon, nais niya na makasamang kumain ang Pangulong Aquino.

Dagdag pa ni Pia, kahit anong bagay ay napag-uusapan nila ng Pangulo maging ang naging sagot niya sa question and answer portion sa Binibining Pilipinas coronation.

Sinabi raw ng Pangulo na maaari pang ma-expound ang kanyang sagot sa tanong tungkol sa Internet censorship.

May mga nagsasabi namang showbiz insiders na mukhang interesado si Pia sa Pangulo kaya ine-entertain nito ang media kapag natatanong ukol sa kanilang dalawa. Isang kasamahan naman ng beauty queen ang nagsabing sa isang event ay nagpakita ng todong paghanga sa ganda ni Pia ang binatang presidente.

Si P-Noy ay kilalang matinik sa chicks at maraming napaugnay na artista at female newscasters. Sa mga naugnay sa kanya ay si Grace Lee lang ang inamin niya na naging seryosong karelasyon.

EDITOR’S TAKE:

May tsismis noon na kaya walang nagtatagal na karelasyon si P-Noy ay dahil sa kanyang mga ever disapproving sisters. Ayaw raw ng mga kapatid niyang babae na magkaasawa ito. Sa mga naging seryosong relasyon ni P-Noy ay much publicised ang kina Shalani Soledad at Grace Lee—pero nauwi rin sa wala.

Sa ating palagay ay nae-enjoy ni Pia ang pag-uugnay sa kanya sa pinakasikat na bachelor sa bansa lalo pa at single naman ngayon ang status ni P-Noy. Siguro naman ay kahit sinong dalaga ay mati-thrilled kung nagpapakita ng interes ang Pangulo.

Iyon nga lang, Pia should look at the bigger picture. Maraming kinakaharap na isyu ang Pangulo at batay sa mga survey ay bumababa ang popularity nito. Posibleng nagagamit siya ng mga handler ng Pangulo para maiba naman ang mapag-uusapan tungkol kay P-Noy. Remember, isa sa paboritong topic ng mga Pinoy ay ang love life ng presidente.

Kataka-taka rin na maging si Kris Aquino ay kinikilig sa pagma-match kina Pia at P-Noy—na hindi nangyari sa panahong romantically involved ang kuya niya kina Shalani at Grace Lee.

Again, Pia should look at the bigger picture. Unless kasama siya sa “script” ng kunwa’y romansa nila ni P-Noy.